PUP SPEAK

baguhin

Hi, may nagmungkahi na burahin ng mabilisan ang artikulong ginawa mo. Ang dahilan ng nagmungkahi ay di notable o kapansin-pansin ang artikulong ginawa mo na PUP SPEAK. Bagama't maaring tama siya sa kanyang dahilan, sa tingin ko, hindi ito pasok para sa mabilisang pagbura sa ngayon. Ngunit maaring mabura na ito ng mabilisan pagkatapos ng Marso 5, 2021 kung mananatili itong isang pangungusap lamang. Bibigyan kita ng pagkakataon ng pahabain ang artikulo at magbigay ng mga karagdagang impormasyon na may mga independenteng sanggunian. Kung wala kang panahon na pahabain ito bago ang Marso 5, hinihimok ko na ilipat mo ang artikulo sa Tagagamit:PogingJuan/PUP SPEAK at magiging balangkas ito o draft. Maililipat mo iyan sa pamamagitan ng pagpindot ng Karagdagan > Ilipat sa tab nasa taas. Sabihin mo lamang sa akin kung nailapat mo na. Maibabalik uli siya sa pangunahing namespace kapag natapos ka na sa draft mo at sa tingin papasa na iyan bilang balidong artikulo. Kung may katungangan ka, i-ping mo lamang ako sa pamamagitan ng paglalagay nito: {{ping|Jojit fb}} --Jojit (usapan) 06:37, 22 Pebrero 2021 (UTC)Reply

Ibinalik ko sa dati 'yung ginawa mong artikulo kasi isang pangungusap pa rin. Kung hindi matutupad 'yung mga rekomendasyon ko, mabubura na iyan sa Marso 5. --Jojit (usapan) 08:01, 1 Marso 2021 (UTC)Reply