Paalala sa paglikha ng mga artikulo kailangan pang linisin

baguhin

Hi Sheena Aloner, maraming salamat sa pag-ambag ng mga artikulo tungkol sa mga kababaihan. Bagaman, ang mga dinagdag mo ay kailangan pang linisin dahil ito'y machine translated at maari itong mabura kung hindi maayos agad, sang-ayon sa WP:BURA B16 (Mga pahinang sinalin ng software o machine-translated o ang karamihan ng pahina ay di maaayos ang pagkasalin). Nais kong paalala na gumagawa o pumapatnugot tayo ng mga artikulo sa Wikipedia para mapabuti ang proyektong ito tungo sa ensiklopedyang well-written (maganda ang pagkakasulat) na mababasa ng madla. May ganitong patakaran dahil nagnanais ang Wikipediang Tagalog na magkaroon ng kalidad na artikulo, at dahil kakaunti lamang ang mga boluntaryo dito, napakaliit ang tiyansang may magbago ng artikulong kailangang linisin. Kung patuloy kang gagawa ng mga artikulong hindi maganda ang pagkakasulat, lumalayo ka na sa layunin ng proyekto na ito. Ang ginagawa mo ay isang disruptive editing (o pagpapatnugot na nakakasira) at isa itong dahilan sa pagharang sa pagpapatnugot sa Wikipedia. Sa kabila niyan, bibigyan pa kita ng isang pagkakataon. Kaya, gamitin mo ang pagkakataon na ito na linisin mo muna ang mga artikulong nilikha mo, at huwag nang lumikha pa ng mga artikulong kailangang linisin pa. Kapag patuloy ka pa rin na gagawa ng mga artikulong lilinisin pa pagkatapos ng paalalang ito, ipapatupad na ang pagharang sa iyo. Sana ay maunawan mo ako. Salamat. --Jojit (usapan) 16:21, 29 Marso 2024 (UTC)Reply

Maari ko bang malaman kung aling mga artikulo ang mga ito? Sheena Aloner (kausapin) 12:52, 30 Marso 2024 (UTC)Reply
Akin nang binisita ang mga posibleng artikulo ngunit maaring po bang humingi ng mahaba-habang panahon para isa-ayos ang mga ito?, at ipagpaumanhin din po ninyo ngunit kami ay hindi naturuan o nagabayan sa paglalagay ng mga sipi o sanggunian, ako ay hihingi ng gabay kung paano ito gawin. Maraming Salamat. Sheena Aloner (kausapin) 13:55, 30 Marso 2024 (UTC)Reply
Makikita mo lahat ng inambag mo dito: Natatangi:Mga_ambag/Sheena_Aloner. Naharang na kita actually dahil gumawa ka naman uli ng mga artikulong lilinisin: ang Grace Hopper at Mae Jemison, subalit binawi ko ang pagharang dahil baka hindi mo pa nakita itong mensahe ko sa iyo. Pakiusap uli, huwag ka nang magdagdag ng artikulong lilinisin pa. Ayusin mo muna ang mga artikulong dinagdag mo. At saka 'di naman sanggunian lamang ang problema. Pakibasa ang sinulat mo at makikita mo na mali-mali ang baybay o ispeling, balarila o grammar, at may mga salitang Ingles o banyaga na hindi nakasalin o translated. Ito ang mga pangunahing problema o isyu sa mga artikulong ginawa mo. Sana maayos mo. Salamat. --Jojit (usapan) 15:14, 30 Marso 2024 (UTC)Reply
Maraming salamat po, marami po akong naisalin na artikulo kaya hihingi po sana ako ng mahaba-habang panahon para mabalikan ang lahat ng ito. Sheena Aloner (kausapin) 15:30, 30 Marso 2024 (UTC)Reply
Wala pang nakasalin na gabay dito sa Wikipediang Tagalog para sa paglagay ng sanggunian, pero puwede mong tingnan itong nasa Wikipediang Ingles: en:Help:Referencing_for_beginners. Nailalapat o naa-apply naman ang karamihan ng nandoon. Ang isang maliwanag na pagkakaiba ay dapat ang heading o pamuhatan ng mga sanggunian ay ganito: ==Mga sanggunian==. Sana nakatulong ito. --Jojit (usapan) 15:20, 30 Marso 2024 (UTC)Reply
maraming salamat po Sheena Aloner (kausapin) 15:33, 30 Marso 2024 (UTC)Reply
Isa sa maling ispeling mo ang "sya", dapat "siya" iyon. --Jojit (usapan) 15:26, 30 Marso 2024 (UTC)Reply
Salamat po, muli po hihingi po muli ako ng mahaba-habang panahon para mabalikan at maayos ang mga naisalin ko na artikulo. Sheena Aloner (kausapin) 15:34, 30 Marso 2024 (UTC)Reply