Tungkol sa iyong mga ambag

baguhin

Hi, napansin ko na marami kang nailagay na artikulo na karamihan maikli at hindi maganda ang pagkakasalin. Nagsisikap ang Wikipediang Tagalog na magkaroon ng mga artikulong kapakipakinabang at naiintindihan ng publiko. Hindi ito mangyayari kung maraming maikli at di maayos na pagkakasalin sa ating wiki. Kaya, hinihimok ko na ayusin mo muna ang iyong mga artikulo bago lumikha ka pa ng karagdagan pa. Kakaunti lamang ang mga boluntaryo dito at napakaliit ng tiyansa na may mag-ayos niyan kaagad-aga. Sana maunawaan mo ako. Salamat. --Jojit (usapan) 05:37, 18 Oktubre 2024 (UTC)Reply

Gumagawa ako ng mga artikulo na katulad ng disenyo ng mga artikulong ito https://tl.wikipedia.org/wiki/Moa, https://tl.wikipedia.org/wiki/Accipitridae, https://tl.wikipedia.org/wiki/Piciformes, https://tl.wikipedia.org/wiki/Kasuwaryo. Bakit ganito din sila, pero walang humahawak sa kanila? VictoriaCulpechina (kausapin) 11:04, 18 Oktubre 2024 (UTC)Reply