Usuprukto
Ang usuprukto o usufruct ang karapatan ng pagtatamasa na pumapayag sa may hawak nito na humango ng tubo o pakinabang mula sa ari-arian na nakapangalan sa isa pang tao o may karaniwang pag-aari nito hangga't ang ari arian ay hindi napinsala o nasira. Sa maraming mga sistemang usurpruktoryo gaya ng tradisyonal na sistemang ejido sa Mehiko, ang mga indibidwal o pangkat ay magkakamit lamang ng usuprukto ng ari-arian at hindi ang titulong pambatas nito. Ang pinakamatandang halimbawa ng usuprukto ay matatagpuan sa Kodigo ni Hammurabi at sa mas kalaunang Kautusan ni Moises.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.