Utak Boltzmann
Ang utak Boltzmann ay isang pinalalagay na nilalang na may alam sa sarili na nabuo dahil sa mga sapalarang pagbabago na nagresulta mula sa isang estado ng kaguluhan. Ang ideyang ito ay pinangalan para kay Ludwig Boltzmann (1844 - 1906), isang pisista na nagtaguyod ng pananaw na ang sandaigdig ay maoobserbang nasa isang estadong malayong mangyari at hindi balanse dahil sa ganitong estado lamang makaktagpo ng mga utak na may alam sa sansinukob.
Ang konsepto ng utak ni Boltzmann ay madalas sabihing isang pisikal na kabalintunaan (Madalas rin itong tawaging na "kabalintunang anak ng utak Boltzmann"). Sinsabi ng kabalintunaang ito na pag kinunsidera ang probabilidad ng ating kasalukuyang sitwasyon bilang nilalang na may alam sa sarili at nakalagay sa isang organisadong kapaligiran, kalaban ang probabilidad ng nagtatanging nilalang na may alam sa sarili sa isang walang katangiang termodinamikong pagkahalo-halo, may mas malaking probabilidad ang nauhili kaysa sa nauna.
Ang konsepto ng utak Boltzmann ay unang iminungkahi bilang isang dahilan kung bakit nakakapag-obserba tayo ng malaking antas ng organisasyon sa sandaigdig (isang katanungang karaniwang pinag-uusapan sa mga diskusyong 'entropy' sa kosmolohiya).
Isinalin mula sa orihinal na artikulo