Utak sa isang tangke
Sa pilosopiya, ang utak sa isang tangke o sisidlan ay isang senaryo sa ilang mga eksperimento ng pag-iisip na ang layunin ay patagalin ang ilang mga katangian ng mga konsepsiyon ng tao sa kaalaman, realidad, katotohanan, isipan, kamalayan at kahulugan. Ito ay isang modernong inkarnasyon ng masamang demonyo na eksperimento ng pag-iisip ni René Descartes na nilikha ni Gilbert Harman.[1] Ito ay karaniwan sa maraming mga kuwentong piksyon ng siyensiya na bumabalangkas sa isang pangyayari kung saan ang isang baliw na siyentipiko, makina o ibang entidad ay mag-aalis ng utak sa bungo ng isang buhay na tao, ilagay ito sa isang tangke o sisidlan na naglalaman ng likidong nagpapatagal ng buhay nito at nakakabit ang mga neuron nito sa mga alambre na magbibigay sa utak na ito ng mga pagkilos na elektriko na katulad sa natatanggap ng utak sa bungo ng isang buhay na tao.[2] Ayon sa senaryong ito, ang isang kompyuter ay isang katulad na realidad kabilang ang mga angkop na pagtugon ng isang utak na nasa bungo at ang utak na wala sa bungo ng isang buhay na tao na ito ay kikilos na gaya ng isang normal na mga karanasan ng isang may kamalayan gaya ng isang utak na nasa isang katawan ng buhay na tao at ang utak na ito ay hindi nauugnay sa anumang mga bagay o mga pangyayari sa tunay na mundo. Ito ay isang argumento para sa skeptisismong pilosopikal at solipsismo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Harman, Gilbert 1973: Thought, Princeton/NJ, p.5.
- ↑ Putnam, Hilary. "Brains in a Vat" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 6 Oktubre 2021. Nakuha noong 21 Abril 2015.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)