Val Castelo
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Marso 2008)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Si Val Castelo (isinilang 18 Oktubre 1932) ay isang Pilipinong aktor. Galing sa isang kilalang pamilya mula Cabanatuan, Nueve Ecija. Pangatlo sa apat na anak ng dating Sec. of Justice at National Defense noong termino ni Pang. Elpidio Quirino na si Oscar Tombo Castelo at Pura Jimenez Ballesteros. Bago pa man pasulkin and mundo ng pelikula, stage at telebisyon, ay naging modelo sa mga print ads at laman ng society pages.
Unang ipinakilala si Val Castelo noong 1955 sa pelikulang Ikaw Kasi bilang nakakabatang kapatid ni Nida Blanca. Gumanap din siya bilang kaibigan ni Nestor de Villa sa Handang Matodas at bilang isang lider ng banda sa Nasaan ka Irog kasama sina Mario Montenegro at Letty Liboon. Sa Kastitaloy katambal si Luisa Montesa at sa Barrio Fiesta katambal si Letty Liboon. Naging suporta rin siya sa pelikula ng mga matinee idols na sina Nenita Vidal at Manding Claro para sa mga pelikulang Puppy Love at Phone Pal. Isinama rin siya kina Pugo, Bentot, Sylvia la Torre, Eddie San Jose at Rosa Aguirre sa mga seryeng pampamilyang komedya na Nukso ng Nukso, Puro Utos Puro Utos at Yantok Mindoro na hango sa isang palatuntunan sa radyo. Kasama din siya nina Nida Blanca at Nestor de Villa sa Sebya Mahal Kita. Naging kaagaw siya ni Leroy Salvador sa pag-ibig ni Charito Solis sa Tiririt ng Ibon.
Siya ay pinakilala bilang bida at sa pangunahing papel sa mga pelikulang Hiwaga ng Pag-ibig kung saan itinambal siya kay Lita Gutierrez at sa Conde de Amor katambal si Nita Javier.
Naging aktibo din siya sa mga pagtatanghal ng Maringal na Bahay-Opera ng Maynila. Bukod sa pag-arte, si Val ay magaling din sa pagkanta. Naging isa rin siyang isang malayang artista (freelance artist) at gumawa ng mga pelikula sa iba't ibang mga production outfits nang magsara ang LVN Studios noong 1961.
Nag-retiro si Castelo sa showbiz noong 1967 at nanirahan siya ngayon sa Estados Unidos.
Ilan Lamang sa Kanyang mga Pelikula sa ilalim ng LVN Pictures
baguhin- 1955 - Ikaw Kasi
- 1956 - Handang Matodas
- 1956 - Puppy Love
- 1957 - Phone Pal
- 1957 - Sebya, Mahal Kita
- 1957 - Tiririt ng Ibon
- 1957 - Nasaan ka Irog?
- 1958 - Hiwaga ng Pag-ibig
- 1958 - Casa Grande
- 1958 - Kastilaloy
- 1960 - Nukso ng Nukso
- 1961 - Medalyong Perlas
Barrio Fiesta Triplets Puro Utos Puro Utos Yantok Mindoro Topo-Topo Conde de Amor