Ang Vans ay isang kumpanyang Amerikano na gumagawa ng sapatos partikular ang mga sapatos na pang-skateboard. Nakabase ang kumpanya sa Costa Mesa, California at pagmamay-ari ng VF Corporation. Gumagawa din sila ng ibang kasuotan at ibang produkto tulad ng mga T-shirt, hoodie, medyas, sumbrero, at backpack o bag.

Vans
Kilala datiThe Van Doren Rubber Company
UriModa
IndustriyaFashion
Itinatag16 Marso 1966; 58 taon na'ng nakalipas (1966-03-16) sa Anaheim, California
Nagtatags
  • Paul Van Doren
  • James Van Doren
  • Gordon Lee[1]
Punong-tanggapanCosta Mesa, California, U.S.
Pinaglilingkuran
Worldwide
Produkto
MagulangVF Outdoor
Websitevans.com
Talababa / Sanggunian
[2]

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ang Vans bilang Van Doren Rubber Company noong Marso 16, 1966 sa 704 E. Broadway, Anaheim, California ng magkakatapid na sina Paul Van Doren at James Van Doren. Kasama ang tatlo pang kasosyo ay nagbukas ng kanilang kauna-unahang tindahan. Natatangi ang Van Doren Rubber Company dahil direkta nilang binebenta sa publiko ang kanilang ginagawang sapatos. Sa araw ng una nilang pag bukas, Labing-dalwa ang namili ng kanilang Vans deck shoes na ngayon ay binansagan nang Authentic. Ang mga sapatos na sinimulang gawin ng umaga ay handa na upang kunin sa hapon.

Patuloy na lumago ang kumpanya noong dekada 1970. Nadadagan ang produkto nila at gumawa sila ng wool lined canvas at rubber Mukluks na kaakibat sa kontrata nila sa ilalim ng Departamento ng of Depensa at ng Hukbong Panghimpapawid ng Estados Unidos. Natipuhan ng mga skateboarder ang napaglumaang itsura at madikit na talampakan at inirampa ito sa kabuuan ng Katimugang California sa unang dako ng dekada 1970. Taong 1975, ang Vans #95, o kilala ngayon na Era, ay ipinanukala ni Tony Alva at Stacy Peralta. Mayroon itong padded collar, iba't ibang kombinasyon ng kulay na mga rason upang ang sapatos na ito ay magustuhan ng mga skateboarder sa heneresyong iyon. Isa pang rason ang hindi nakakadulas na suwelas. Sa taong 1966, inilabas ng Vans sa publiko ang #44 na sapatos nila sa tulong ng skateboarder at nagbibisikletang BMX, pinagkaguluhan sa Katimugang California ang Vans Slip-On. Sa pagtapos ng dekada 1970, nagkaroon ng kabuuang 70 na tindahan sa California ang Vans at nakapagbenta ng sapatos sa loob at labas ng bansa sa pamamagitan ng mga komersyante.

Sa pagpasok ng taong 1980, nagsimula nang kumonti ang tungkulin ni Paul Van Doren sa mga aktibidad ng kumpanya. Sa puntong ito, kumilos ang kumpanyang Vans na gumawa ng sapatos para sa mga palakasan na skateboarding, wakeboarding, motor cross, pati surfing upang labanan ang matatayog na kumpangyang pang-atletang sapatos. Nakakuha ang Vans Slip-on ng atensiyon at samo sa pandaigdig nang isuot ito ni Sean Penn sa kabataang pelikula na Fast Times at Ridgemont High taong 1982. Kahit na matayog ang pag benta ng ubod na sapatos ng Vans, ang malawak na hanay ng produkto na inihahandog ng kumpanya ay inuubos ang kanilang hilaw na materyales, at dahil hindi nila mabayaran ang kanila utang, sapilitan silang nagsakdal ng pagkabangkarote noong 1983.

Makalipas ang tatlong taon, nabayarang ng Vans ang lahat ng pinagkakautangan at lumitaw na sa pagkabangkarote. Taong 1988, ipinagbili ang Vans ng mga orhinal na may-ari sa kumpanya na pamumuhunang bangko. Marami nang beses naibenta ang kompanya; kamakailan lamang taong 2004 sa Greensboro, N.C.-based VF Corp. kapalit ang $396 milyon. Si Steve Van Doren, anak ng isa sa mga tagapagtatag na si Paul Van Doren, ay nagtatrabaho pa rin sa kumpanya kasama ang kanyang kapatid na si Cheryl at anak na si Kristy. Isinara ng Vans ang pabrika nila sa Orange, California at nagsimulang yumari ng sapatos sa ibang lupain taong 1994. Sa taon rin na ito tinangkilikan ng Vans ang serye ng "Inagural Triple Crown" at nagbunga sa kalipunan ng Vans Triple Crown. Taong 1998, nag bukas ang Vans ng 46,000-sqaure-foot (4,300 m^2), indoor-outdor Vans skate park sa the Block sa Orange, California at taong 2002 isang enclosed skatepark ang binuksan sa Festival Bay Mall sa International Drive Orlando, Florida. Sa mga taong 2000 at 2001, nagbigay pugay ang Forbes sa Vans bilang isa sa mga "Pinakamagaling na Maliit na Kumpanya sa Amerika." Taong 2004, inilunsad ng Vans ang Vans Customs sa kanilang websayt. Nagkaroon ng pahintulot ang mga mamimili na mag disyenyo ng sarili nilang pares ng Vans Slip-On, mid-cut, low-cut, at high-top. Sa panahon ngayon, pinapayagan din ang pag disenyo ng Era, Slip-on, Old Skool, at sapatos na 106 Vulcanized.

Ang Vans ang pangunahing may panukala ng Warped Tour music festival simula noong 1995. Pinanghahawakan din nito ang karapatang ng pag pangalan sa BOWL-A-RAMA.

Nagpapatayo ang kompanya ng kauna-unahan nitong libreng liwasang pang-skate na ibubumukadkad sa publiko sa Huntington Beach, California. May sukat ito na 50,000 talampakang kuwadrado (4,600 m^2) at magbabayad ang Vans sa lungsod ng $1 bawat taon para sa 20-taong paupahan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. ^ "VF labas nakumpleto acquisition ng Eagle Creek, Inc" .
  2. ^ . Fletcher, Jaimee Lynn (28 Enero 2012) "HB OKs lease para sa unang libreng Vans isketing parke" . Ang Orange County Register : p. Ang lokal .
  1. "History". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-02-25. Nakuha noong 2023-09-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "VF Outdoor Completes Acquisition of Eagle Creek, Inc". Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 2, 2015. Nakuha noong Disyembre 8, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin