Vasco da Gama
Si Vasco da Gama Ipinanganak bandang 1469 sa Sines o Vidigueira, Alentejo, Portugal; namatay 24 Disyembre 1524 sa Kochi, Indiya) ay isang Portuges na mandaragat, eksplorador, at isa sa mga matagumpay na tao noong Panahon ng Pagtutuklas ng Europa. Isa siya sa mga unang tao naglayag mula Europa hanggang India. Nakatulong sa pagbubukas ng kalakalan sa pagitan ng Kanlurang Europa at Asya ang kaniyang mga natuklasan, sanhi ng pagiging makapangyarihan ng Portugal noong ika-16 dantaon.[1]
Vasco da Gama | |
---|---|
Kapanganakan | ca. 1460-1469 |
Kamatayan | |
Trabaho | Explorer, military naval commander |
Asawa | Catarina de Ataíde |
Muli siyang tumuntong sa India noong 1502. Nang lumaon, hinirang at pinamagatan siyang Admiral ng India ni Haring Manuel. Marami pang mga adbenturerong mga Portuges ang nagsipagtatag ng mga kolonya sa Timog-p India, kung kaya't noong 1524, ipinadala si Da Gama sa India bilang biseroy o maharlikang gobernador. Sumakabilang buhay siya habang nasa India noong 1524.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Vasco da Gama". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Portugal ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.