Vector calculus
Ang kalkulong bektor (Ingles: Vector calculus o vector analysis) ay isang sangay ng matematika na ukol sa diperentasyon at integrasyon ng mga field na bektor na pangunahin ay sa tatlong dimensiyonal na espasyong Euclidean na Ang terminong kalkulong bektor ay minsang ginagamit bilang sinonimo para sa mas malawas na paksa ng kalkulong multibariabulo na kinabibilangan ng kalkulong bektor gayundin din ng parsiyal na deribatibo at pangmaramihang integrasyon. Ang kalkulong bektor ay gumagampan ng mahalagang papel sa diperensiyal na heometriya at sa pag-aaral ng mga parsiyal diperensiyal na ekwasyon. Ito ay labis na ginagamit sa pisika at inhenyerya lalo sa paglalarawan ng mga elektromagnetikong field, grabitasyonal na field at daloy ng pluido.