Hestia

(Idinirekta mula sa Vesta)

Sa mitolohiyang Griyego si Hestia ang diyosa ng dalampasigandapugan o apuyan at ng tahanan.[1][2] Kilala siya sa mitolohiyang Romano bilang Vesta o Besta.[1] Anak siyang babae ni Kronos at Rhea, kaya't kapatid siya nina Zeus, Poseidon, at Hera. Sa Roma, mayroon siyang isang dambanang may banal na apoy at matatagpuan sa Romanong Porum (o Romanong Poro). Naging mahalaga para sa Istado ng Roma ang mga paring babaeng kilala bilang Mga Birheng Bestal, na nangangahulugang "Mga Birhen ni Vesta" o "mga birheng wagas" ni Vesta, mga dalisay at malinis na birheng nagbabantay sa apuyan ni Vesta.[3] Nagmumula lamang sa mga mag-anak na aristokrata ang mga kababaihang ito.[2]

Si Hesta (nasa gitna) at mga dumadambana sa kanya at sa kanyang apuyan, iginuhit ni Sebastiano Ricci (1723).

Mga Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Hestia, Vesta". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 107.
  2. 2.0 2.1 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Hestia, Vesta". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 357.
  3. Gaboy, Luciano L. Vestal - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.