Vevey
Vevey, isang maliit na lungsod sa Switserland, sa kanton ng Vaud, sa hilagang pampang ng Lawa ng Genève, ’di malayo sa Lausanne.
May populasyon itong 15 473 (2002).
Nandito sa lungsod ang pandaigdigang punong-tanggapan (pero ’di ang fiscal HQ ng higanteng kompanyang Nestlé, itinatag dito noong 1867. Inoorganisa rin ng lungsod apat hanggang limang beses bawat dantaon ang sikat na Fête des Vignerons (Winegrowers’ Festival sa Inggles) para ipagdiwang ang kasaysayan at kulturang binikultor nito. Isang malaking stadium na nakakaupo ng 16 000 manonood ang ipinapatayo sa Grande Place, ang palengke ng Vevey at ang pangalawang pinakamalaking palengke sa Ewropa, sunod ng sa Lisboa, Portugal. Nagsimula ang mga festival noong dantaon 18 at ipinagdiwang ang limang pinakahuli noong 1889, 1905, 1927, 1955, at 1999.
Lingks palabas
baguhin- Homepage ng Vevey (sa French)
- Opisyal na website ng Confrérie des Vignerons, organisador ng Fête des Vignerons
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.