Via Condotti
Ang Via dei Condotti (palaging pinapangalanang Via Condotti) ay isang abala at makamodang kalye ng Roma, Italya.[1] Noong panahong Romano, ito ay isa sa mga kalye na tumawid sa sinaunang Via Flaminia at nagbigay-daan sa mga taong tumawi ng Tiber upang maabot ang burol Pincio. Nagsisimula ito sa paanan ng mga mga Hagdanang Espanyol at ipinangalan sa mga kanal na nagdadala ng tubig sa mga Paliguan ni Agrippa. Ngayon, ito ay ang kalye na naglalaman ng pinakamaraming bilang ng Italyanong nagbebenta ng moda na nakabase sa Roma, katumbas ng Via Montenapoleone ng Milano, ng Rue du Faubourg-Saint-Honoré ng Paris, ng Via de' Tornabuoni ng Florencia, o ng Kalye Bond ng Londres.
Ang Via Condotti ay isang sentro ng pamilihan ng moda sa Roma. May mga pamilihan dito ang Dior, Gucci, Valentino, Hermès, Armani, Jimmy Choo, La Perla, Prada, Salvatore Ferragamo, Furla, Burberry, Céline, Dolce & Gabbana, Max Mara, Alberta Ferretti, Trussardi, Buccellati, Bulgari, Damiani, Tod's, Zegna, Cartier, Bally, Montblanc, Tiffany & Co., at Louis Vuitton.[2][3] Ang iba, tulad ng Laura Biagiotti, ay mayroong mga tanggapan doon.[4]
Mga monumento at mga bantog na pasyalan
baguhinSa marangyang kalye malapit sa Piazza di Spagna at Largo Goldoni ay maraming estrukturang may halaga sa turismo, kasaysayan, o bilang monumento.
- Santissima Trinità a Via Condotti (ika-18 siglo)
- Palazzo degli Ansellini (ika-19 na siglo)
- Palazzo Della Porta Negroni Caffarelli (ika-19 na siglo)
- Palazzo Avogadri Neri (ika-17 siglo)
- Palazzo di Malta (ika-18 siglo) [5]
- Palazzo Megalotti (ika-18 siglo)
- Antico Caffè Greco (ika-18 siglo)
- Palazzo Maruscelli Lepri (ika-17 siglo)
Mga sanggunian
baguhinWalang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Oktubre 2024) |
- ↑ Melanie Renzulli. "Where to Shop in Rome". About.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-03-24. Nakuha noong 2011-02-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Shopping". Italy Travel Guide. 2011. Nakuha noong 2011-02-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Via Condotti, Rome, Italy". GreenwichMeanTime.com. Disyembre 2, 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-06-10. Nakuha noong 2011-02-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Biagiotti: the Leonardo Prize? The 'Oscar' for Italian Products". Italtrade.com. Mayo 19, 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-13. Nakuha noong 2011-02-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Palazzo Malta