Victor Schumann
Si Victor Schumann (1841 – 1 Setyembre 1913) ay isang pisiko at ispektroskopong Aleman na noong 1893 ay nakatuklas ng bakyum na ultrabiyoleta.
Victor Schumann | |
---|---|
Kapanganakan | 1841 |
Kamatayan | Setyembre 1, 1913 |
Kilala sa | Nakatuklas ng bakyum na ultra-lila |
Karera sa agham | |
Larangan | Pisika |
Ninais ni Schumann na mapag-aralan ang rehiyon ng "Ultra-lilang Sukdulan" (Kasukdulan ng Ultrabiyoleta). Para rito, gumamit siya ng isang prisma at mga lente na nasa fluorite sa halip na quartz[1] na nakapagpahintulot sa sarili niya upang maging pinaka unang tao na makasukat ng ispektra na mababa kaysa sa 200 nm. Sipsipsipin ng gas na oksiheno ang radyasyon na mayroong alonghaba na mababa kaysa sa 195 nm ngunit inilagay ni Schumann ang buong aparato sa ilalim ng bakyum (higop). Inihanda niya ang sarili niyang mga platong potograpiko na may binawasang patong ng helatina.
Naglathala siya hinggil sa linya ng Hidroheno na nasa loob ng ispektrum (rehiyon) ng Nova Aurigae at nasa loob ng ispektrum ng mga tubo ng bakyum.[2]
Binuksan ng kaniyang mga gawain ang landas papunta sa ispektroskopiya ng emisyong atomiko, na sa lumaon ay humantong sa pagkatuklas ng serye ng guhit na ispektral na hidroheno (Seryeng Lyman) ni Theodore Lyman noong 1914.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1
Lyman, T. (1914), "Victor Schumann", Astrophysical Journal, 38: 1–4, Bibcode:1914ApJ....39....1L, doi:10.1086/142050
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Schumann V, Astronomy and astrophysics, Bolyum 12, Carleton College (Northfield, Minn.). Goodsell Observatory