Theodore Lyman
Si Theodore Lyman (Nobyembre 23, 1874 - Oktubre 11, 1954) (pagbigkas: /ˈlaɪmən/) ay isang Amerikanong pisiko at ispektroskopista. Ipinanganak siya sa Boston. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Harvard noong 1897, kung saan natanggap din niya ang kaniyang Ph.D. noong 1900. Siya ay naging isang katulong na propesor sa pisika sa Harvard, kung saan siya nanatili hanggang sa maging ganap na propesor noong 1917, at sa kung saan din siya ay naging direktor ng Jefferson Physical Laboratory (1908–17) sa pagdaka. Nagsagawa si Dr. Lyman ng mahahalagang mga pag-aaral hinggil sa penomena o kababalaghan na may kaugnayan sa mga diffraction grating, hinggil sa mga alonghaba ng ultrabiyoletang liwanag ng bakyum na natuklasan ni Victor Schumann, at pati na hinggil sa mga katangian ng liwanag ng napaka maiiksing mga alonghaba, kung saan ang lahat ay napag-ambagan niya ng mahahalagang mga sulatin sa panitikan ng pisika sa mga gawain ng mga samahang pang-agham. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, nagserbisyo siya sa Pransiya sa piling ng Puwersang Ekspedisyonaryong Amerikano, habang hawak ang ranggong major ng mga inhinyero.
Theodore Lyman | |
---|---|
Kapanganakan | 23 Nobyembre 1874
|
Kamatayan | 11 Oktubre 1954
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Nagtapos | Harvard University |
Trabaho | pisiko, propesor ng unibersidad |
Siya ang eponimo ng (nangangahulugang "ipinangalan sa kaniya ang") seryeng Lyman ng mga guhit na ispektral. Ang crater o hukay na Lyman na nasa malayong gilid ng Buwan ay ipinangalan para sa kaniya. Nagantimpalaan siya ng Medalyang Elliott Cresson ng Franklin Institute noong 1931.
Mga sanggunian
baguhin- Ang artikulong ito ay may tekstong mula sa isang lathalaing nasa dominyo publiko na: Gilman, D. C.; Thurston, H. T.; Moore, F., mga pat. (1905). "kailangan ang pangalan ng artikulo". New International Encyclopedia (ika-1st (na) edisyon). New York: Dodd, Mead.
{{cite ensiklopedya}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - USGS Gazetteer of Planetary Nomenclature Feature Information
- 1931 Frederic Ives Medal