Virtual private network
Ang isang virtual private network o VPN ay nagpapalawig ng isang pribadong network at mga pinagkukunang nilalaman ng network sa mga publikong network tulad ng internet. Ito ay pumapayag sa isang kompyuter na host na magpadala at tumanggap ng datos sa pinagsaluhan o mga publikong network na parang ito ay isang pribadong network na may lahat ng katungkulan at mga patakrang pangseguridad at pangangasiwa ng pribadong network.[1] Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paglikha ng isang virtual na punto-sa-puntong koneksiyon sa pamamagitan ng mga nakalaang koneksiyon, enkripsiyon o kombinasyon ng dalawang ito. Ang koneksiyong VPN sa internet ay teknikal na isang ugnayang wide area network o WAN sa pagitan ng mga website ngunit mukhang isang pribadong network sa tagagamit at kaya ang pangalan nitong "virtual private network".[2]
Mga uri ng VPN
baguhinAng mga maagang network ng datos ay pumayag sa istikong VPN na malayong koneksiyon sa pamamagitan ng mga dial-up modem sa pamamagitan ng mga koneksiyong leased line na gumagamit ng Frame Relay at Asynchronous Transfer Mode (ATM) virtual circuit na binigay sa pamamagitan ng isang network na pag-aari at pinapatakbo ng mga tagapagdala ng komunikasyon gaya ng AT&T o Verizon. Ang mga network na ito ay hindi tinuturing na tunay na mga VPN dahil ang mga ito ay tumatanggap ng datos na ipinapadala sa pamamagitan ng paglikha ng mga lohikal na stream ng datos. [3] Ang mga ito ay nagbigay daan sa mga VPN na nakabase sa mga IP and IP/Multiprotocol Label Switching Networks (MPLS) na nakabaseng VP sanhi ng malaking pagbabawas ng gastos at tumaas na bandwidth[4] na ibinigay ng mga bagong teknolohiya gaya ng Digital Subscriber Line (DSL)[5] at mga fiber-optic network. Ang mga VPN ay maaaring maabot ng malayo(na nagkokonekta ng indibidwal na kompyuter sa isang network) o site-sa-site(nagkokonekta ng dalawang mga network). Sa isang kalalagyang pangkorporasyon, ang isang pag-abot sa malayong lugar na mga VPN ay pumapayag sa mga empleyado na malapitan ang intranet ng kanilang kompanya mula sa kanilang tahanan o habang naglalakbay sa labas ng opisina. at ang isang site-sa-site na mga VPN ay pumapayag sa mga empleyado sa magkakahiwalay sa lugar na mga opisina na magsalo ng isang magkakaugnay na virtual network. Ang isang VPN ay maaari ring gamit upang pagkonektahin ang dalawang magkaparehong mga network sa ibabaw ng isang hindi magkaparehong gitnang network, halimbawa ang dalawang mga IPv6 networks sa ibabaw ng isang IPv4 network.[6] Ang mga sistemang VPN ay maaaring uriin ayon sa:
- mga protocol na ginagamit upang i-tunnel ang trapiko
- kung ang mga ito ay nag-aalok ng site-sa-site na koneksiyon o malayuang pag-abot na koneksiyon
- mga lebel ng seguridad na ibinigay
- Ang OSI layer na kanilang tinatanghal sa kumokonektang network gaya ng mga Layer 2 circuit o Layer 3 koneksiyon ng network.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Mason, Andrew G. Cisco Secure Virtual Private Network. Cisco Press, 2002, p. 7
- ↑ Microsoft Technet. "Virtual Private Networking: An Overview".
- ↑ Cisco Systems, et. al.. Internetworking Technologies Handbook, Third Edition. Cisco Press, 2000, p. 232.
- ↑ Lewis, Mark. Comparing, Designing. And Deploying VPNs. Cisco Press, 20069, p. 5
- ↑ International Engineering Consortium. Digital Subscriber Line 2001. Intl. Engineering Consortiu, 2001, p. 40.
- ↑ Technet Lab. "IPv6 traffic over VPN connections". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-15. Nakuha noong 2013-02-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)