Ang isang wide area network o WAN ay isang network na sumasaklw sa isang malawakang area o sakop (i.e. anumang telecommunications network na nag-uugnay ng mga hangganang metropolitano, pangrehiyon o pambansa) gamit ang pribado o publikong mga tagahatid ng network. Ang mga entidad na negosyo at pamahalaan ay gumagamit ng mga WAN upang magpadala ng datos sa mga empleyado, mga kliyente, at mga suplayer mula sa iba't ibang mga lokasyong heograpikal. Ang paraang ito ng telekomunikasyon ay pumapayag sa isang negosy na epektibo magsagawa ng mga pang-araw araw na tungkulin nito nang hindi isinasaalang alang ang lokasyon. Ang internet ay maaari ring maituring na WAn at ginagamit ng mga negosyo, pamahalaan, organisasyon at mga indibidwal para sa halos anumang maiisip na layunin.[1] Ang mga kaugnay na termino para sa ibang mga uri ng network ang mga personal area network (PAN), local area network (LAN), campus area network (CAN), o metropolitan area network (MAN) na karaniwang nakalimita ng respektibo sa isang silid, kampus o spesipikong area na metropolitan halimbawa sa isang siyudad.

Mga opsiyong teknolohiya ng koneksiyon

baguhin

May ilang mga opsiyon para sa koneksiyon ng WAN:[2]

Opsiyon: Paglalarawan Mga kapakinabangan Mga hindi kapakinabangan Saklaw ng bandwidth Mga sampol na protocol na ginagamit
Leased line Punto-sa-puntong koneksiyon sa pagitan ng dalawang mga kompyuter o Local Area Network (LAN) Pinaka-segurado Mahal PPP, HDLC, SDLC, HNAS
Circuit switching Isang dedicated na landas na sirkito na nililikha sa pagitan ng mga dulong punto. Ang mahusay na halimbawa nito ang mga koneksiyong dialup Hindi mahal Call Setup 28 - 144 kbit/s PPP, ISDN
Packet switching Ang mga kasangkapan ay naghahatid ng mga packet sa pamamagitan ng isang pinagsaluhang punto-sa-puntong multipuntong ugnayan sa isang tagapagdalang internetwork. Ang mga nagbabagong haba na packet ay pinapadala sa ibabaw ng mga Permanent Virtual Circuits (PVC) o Switched Virtual Circuits (SVC) Shared media across link X.25, Frame-Relay
Cell relay Kapareho ng packet switching ngunit gumagamit ng hindi nababagong habang mga selula sa halip na mga nagbabagong habang packet. Ang mga datos ay hinahati sa mababagong habang mga selula at pagkatapos ay pinapadala sa mga virtual circuit Mahusay para sa sabay na paggamit ng voice at data Ang Overhead ay maaaring malaki ATM

Mga sanggunian

baguhin
  1. Groth, David and Skandler, Toby (2009). Network+ Study Guide, Fourth Edition. Sybex, Inc. ISBN 0-7821-4406-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. McQuerry, Steve (Nobyembre 19, 2003). 'CCNA Self-Study: Interconnecting Cisco Network Devices (ICND), Second Edition'. Cisco Press. ISBN 1-58705-142-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)