Metropolitan area network
Ang isang metropolitan area network o MAN ay isang network ng kompyuter na karaniwang sumasaklaw sa isang siyudad o malaking kampus ng paaralan. Ang isang MAN ay karaniwang nagkokonekta ng isang bilang ng mga local area network (LAN) gamit isang may mataas na kapasidad na teknolohiyang backbone gaya ng mga link na fiber-optical at nagbibigay ng mga serbisyong up-link sa mga wide area network (WAN) at internet. Inilalarawan ng pamantayang IEEE 802-2002 ang MAN na:
Ang isang MAN ay inoptimisa para sa isang mas malaking heograpikal na area kesa sa isang LAN na sumasaklaw mula sa ilang mga bloke ng gusali hanggang sa buong mga siyudad. Ang mga MAN ay nakasalalay rin sa mga channel ng komunikasyon ng katamtaman-hanggang-mataas na mga rate ng datos. Ang mga MAN ay maaaring pag-aari at pinapatakbo ng isang organisasyon ngunit ito ay karaniwang ginagamit ng maraming mga indibidwal at organisasyon. Ang mga MAN ay maaari ring pag-aari at pinapatakbo bilang mga utilidad na pangpubliko. Ang mga ito ay kadalasang nagbibigay ng paraan sa pag-iinternetworking ng mga lokal na network.
Ang ilang mga teknolohiyang ginamit para sa layuning ito ang Asynchronous Transfer Mode (ATM), FDDI, at SMDS. Ang mga teknolohiyang ito ay nasa proseso na mapapalitan ng mga nakabase sa ethernet na koneksiyon (e.g., Metro Ethernet) sa karamihan ng mga area. Ang mga link na MAN sa pagitan ng mga local area network ay itinayo nang walang mga kable gamit ang mga link na microwave, radio, o infra-red laser. Ang karamihan ng mga kompanya ay rumirenta ng mga sirkito mula sa mga karaniwang tagapagdala dahil ang paglalatag ng mga mahahabang kable ay maaaring mahal. Ang DQDB, Distributed-queue dual-bus, ang pamantayang metropolitan area network para sa komunikasyon ng datos. Ito ay tinutukoy sa pamantayang IEEE 802.6. Gamit ang DQDB, ang mga network ay maaaring may habang hanggang 20 milya(30 km) at tumatakbo sa mga bilis na 34 hanggang 155 Mbit kada segundo.