Dagat Kabisayaan
dagat sa Pilipinas
(Idinirekta mula sa Visayan Sea)
Ang Dagat Kabisayaan ay isang dagat sa Pilipinas na napalilibutan ng mga kapuluan ng Kabisayaan. Naghahanggan ito sa mga pulo ng Masbate sa hilaga, sa Leyte sa silangan, sa Cebu at Negros sa timog at sa Panay sa kanluran.
Karugtong ng Dagat Kabisayaan ang Dagat Sibuyan sa hilagang kanluran sa pamamagitan ng Jintotolo Channel, sa Dagat Samar sa hilagang silangan, sa Dagat Camotes sa timog silangan, sa Dagat Bohol sa timog sa pamamagitan ng Kipot ng Tanon at ng Dagat Sulu sa pamamagitan ng Kipot ng Guimaras at Golpo ng Panay. Ang pinakamalaking pulo sa dagat ay ang Pulo ng Bantayan.