Vladimir Nabokov

Ruso at Amerikanong nobelista at propesor
Tungkol ang artikulong ito sa nobelista. Para sa kanyang amang politiko, tingnan ang Vladimir Dmitrievich Nabokov.

Si Vladimir Nabokov (22 Abril 1899 - 2 Hulyo 1977) ay isang Amerikanong maalam sa mga wikang may-akda, nobelista, at manunulat ng maiikling mga kuwento na ipinanganak sa Rusya.[3] Una niyang isinulat ang kanyang mga aklat, partikular na ang unang siyam niyang mga nobela, sa wikang Ruso, ngunit pagkaraang lumipat sa Estados Unidos, nagsulat na siya sa wikang Ingles. Kabilang sa kanyang inakdaang mga aklat ang Lolita (1955) at Pnin. Itinuturing ang Lolita bilang isa sa kanyang pinakamahahalagang mga nobela. Nakapag-ambag din siya sa larangan ng entomolohiya, at nagkaroon ng pagtuon ng pansin sa mga suliraning pang-ahedres.

Vladimir Nabokov
Kapanganakan10 Abril 1899 (Huliyano)
  • (Rusya)
Kamatayan2 Hulyo 1977[1]
  • (Riviera-Pays-d'Enhaut District, canton Vaud, Suwisa)
MamamayanImperyong Ruso
Estados Unidos ng Amerika (1945–)
NagtaposTrinity College
Unibersidad ng Cambridge
Trabahonobelista, makatà, manunulat,[2] soologo, tagasalin, mandudula, awtobiyograpo, screenwriter, propesor ng unibersidad, kritiko literaryo, mamamahayag, manunulat ng science fiction, ahedresista, espesyalista ng panitikan, entomologo
Pirma

Noong 1919, nagpunta si Nabokov at ang kanyang mag-anak sa Europa. Noong 1945, naging isa na siyang mamamayang Amerikano.

Mga sanggunian

baguhin
  1. https://cs.isabart.org/person/33174; hinango: 1 Abril 2021.
  2. https://cs.isabart.org/person/33174; hinango: 1 Abril 2021.
  3. "Vladimir Nabokov". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 429.

Mga kawing panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.