Boybodato

(Idinirekta mula sa Voivodship)

Ang isang boybodato o boybodiya (Ingles: voivodeship, voivodship, voivodina o vojvodina; Rumano: voievodat, Polako: województwo, Serbiyo: vojvodina (војводина), vojvodstvo (војводство) o vojvodovina (војводовина), Unggaro: vajdaság, Litwano: vaivadija, Latin: Palatinatus o Palatinatum sa Polonya), ay isang kahatiang pampangangasiwa (dibisyong administratibo) na maipepetsa magmula pa sa midyibal na Rumanya Hunggarya, Polonya, Litwaniya, Rusya at Serbia (tingnan ang Vojvodina), na pinamumunuan ng isang boyboda (voivode o voivod (wojewoda). Ang boyboda o boybodo, na mayroong pagsasalinwikang literal na "ang isang namumuno sa mga mandirigma" o "ang pinuno ng mga mandirigma", ay katulad ng Dux Exercituum / Herzog) na orihinal na komander na pangmilitar na kasunod ng pinaka pinuno.

Sa kung gayon, ang boybodato o palatinado ay isang katagang nagpapahiwatig ng posisyon ng, o mas karaniwang ang pook na pinangangasiwaan ng, isang boyboda sa ilang mga bansang Europeo. Ang mga boybodato ay umiiral na magmula pa noong panahong midyibal sa Polonya, Rumanya, Unggarya, Litwaniya, Latbiya, Rusya, at Serbiya. Ang antas ng pook o teritoryo nito ay katumbas ng dukado ng kanluraning mga estadong midyibal, na halos katulad ng titulo ng boyboda bilang katumbas ng isang duke. Ang isa pang magaspang na katumbas na pamagat at pook sa midyibal na Silangang Europa ay ang ban (bojan, vojin o bayan) at banate.

Sa makabagong diwa, ang salita ay karaniwang tumutukoy sa isa sa mga lalawigan (wojewódzstwa) ng Polonya, na sa kasalukuyan ay binubuo ng 16 na mga boybodato o mga "lalawigan".

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.