Mga boson na W at Z
- Huwag ikalito sa Mga boson na W' at Z'.
Ang Mga Boson na W at Z (Ingles: W and Z bosons o weak bosons) ang mga elementaryong partikulo na namamagitan sa interaksiyong mahina. Ang mga simbolo nito ay W+, W− at Z. Ang mga Boson na W ay may mga respektibong positibo at negatibong elektrikang kargang 1 at mga antipartikulo ng bawat isa. Ang Boson na Z ay elektrikal na neutral at sarili nitong antipartikulo. Ang lahat ng tatlong mga partikulong ito ay may labis na maikling buhay na may kalahating-buhay na mga 3×10−25 s. Ang pagkakatuklas ng mga ito ay isang malaking tagumpay sa tinatawag ngayong Pamantayang Modelo ng Partikulong Pisika.
Komposisyon | Elementaryong partikulo |
---|---|
Estadistika | Bosoniko |
Mga interaksiyon | Mahinang interaksiyon |
Nag-teorisa | Glashow, Weinberg, Salam (1968) |
Natuklasan | Mga kolaborasyong UA1 at UA2, 1983 |
Masa | W: 80.398±0.023 GeV/c2[1] Z: 91.1876±0.0021 GeV/c2[2] |
Elektrikong karga | W: ±1 e Z: 0 e |
Ikot | 1 |
Ang mga boson na W ay ipinangalan sa weak force(mahinang pwersa). Pinangalan ng pisikong si Steven Weinberg ang karagdagang partikulo na "partikulong Z", [3] na kalaunan ay nagbigay ng paliwanag na ito ang huling karagdagang partikulo na kailangan ng modelo – ang mga boson na W ay napangalanan na – at ito ay may elektrikang karga na sero. [4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Sld, Cdf. "LEP EWWG Home Page". Lepewwg.web.cern.ch. Nakuha noong 2008-09-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ C. Amsler; atbp. (2008). "2008 Review of Particle Physics – Gauge and Higgs Bosons". Physics Letters B. 667: 1. Bibcode:2008PhLB..667....1P. doi:10.1016/j.physletb.2008.07.018. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-12. Nakuha noong 2011-12-23.
{{cite journal}}
: Explicit use of et al. in:|author=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Steven Weinberg, A Model of Leptons[patay na link], Phys. Rev. Lett. 19, 1264–1266 (1967) – the electroweak unification paper.
- ↑ Weinberg, Steven (1993). Dreams of a Final Theory: the search for the fundamental laws of nature. Vintage Press. p. 94. ISBN 0099223910.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)