Walang hanggang pagkabirhen ni Maria
Ang walang hanggang pagkabirhen ni Maria ay isang dogma at doktrina ng Simbahang Katolika, ito ay mahalagang bahagi ng pananampalatayang Kristiyano. Bahagi ng pananampalatayang ito ang aral at doktrina na si Maria ay isang birhen bago at matapos isilang si Hesus.
Ipinagdiriwang ng mga Kristiyano ang Walang Hanggang Pagkabirhen ni Maria tuwing Nobyembre 21, bilang memoriyal. Ito ay batay sa Talataan 7 ng Protoevangelium of James .
Paglilihi kay Hesus
baguhinSi Maria ay nagdalan-tao ayon sa kagustuhan ng Diyos, at ayon na rin sa nasusulat.
“Maglilihi ang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki
at tatawagin nila siyang Emmanuel na ibig sabihi’y
Nasa-atin-ang-Diyos.”— Mateo 1:23
Sinabi ni Maria sa anghel:
“Paanong mangyayari ito gayong di ako ginagalaw ng lalaki?”— Lukas 1:34
Doktrina
baguhinAng pagkabirhen ni Maria ay hindi lamang sa pagiging Ina kay Hesus, kundi pati na rin sa lahat ng muling maisisilang sa bagong buhay para sa Diyos Ama.
Kaya pagkakita ni Jesus sa ina at sa alagad na mahal niya na nakatayo sa tabi,
sinabi niya sa Ina: “Babae, hayan ang anak mo!”
pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.”
At mula sa oras na iyon, tinanggap siya ng alagad sa kanyang tahanan.— Juan 19:26-27
Ang pagkabirhen ni Maria ay hindi lamang basta pagpigil sa pakikipagtalik na sekswal kundi ng positibong pagpapahalaga ng ganap at personal niyang dangal at paghahandog niya ng buong sarili sa Diyos.