Digmaan at Kapayapaan

(Idinirekta mula sa War and Peace)

Ang War and Peace o Digmaan at Kapayapaan (Ruso: Война и мир) ay isang bantog na nobelang isinulat ni Leo Tolstoy, isang manunulat na Ruso. Patungkol ito sa apat na mga mag-anak ng mga maharlika sa Rusya noong panahon ng mga digmaan na kinasasangkutan ni Napoleon, at kung paano nila hinarap ang digmaan at ang bawat isa sa kanila.

Isang kopya ng War and Peace ni Leo Tolstoy.

Inilarawan ni Tolstoy ang War and Peace bilang "hindi isang nobela, hindi rin ito kapantay ng isang tula, at mas hindi rin katumbas ng isang salaysay na pangkasaysayan."[1] Inilalarawan din ng aklat ang buhay sa Rusya noong ika-19 daantaon, at nagsasabi rin ng hinggil sa pansariling ideya ni Tolstoy ukol sa malayang pagpapasya, kasaysayan, at kung paano nailalahad ang mga kaganapan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "War and peace - Google Books". books.google.com. Nakuha noong 20 Hulyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Nobela at Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.