Wasabi
Ang Wasabi (わさび(山葵), orihinal na 和佐比; Wasabia japonica o Eutrema japonica),[1] ay isang kasapi ng pamilyang Brassicaceae, na kinabibilangan ng mga repolyo, malunggay (kamunggay o kalamunggay, ang horseradish na literal na "labanos-kabayo"), at halamang mustasa. Tinatawag din itong Japanese horseradish sa Ingles (literal na "Hapones na labanos-kabayo"),[2] bagaman ang "horseradish" ay naiibang halaman (na madalas na ginagamit upang pamalit para sa wasabi). Ang ugat nito ay ginagamit bilang isang kondimento at mayroong isang napakatapang na lasa. Ang kainitan nito ay mas kahalintulad ng sa isang mainit na panimpla o sawsawang mustasa kaysa sa capsaicin na nasa loob ng isang sili, na lumilikha ng mga singaw na nakakaengganya sa mga butas ng ilong kaysa sa dila. Ang halaman ay likas na tumutubo sa mga tanimang masapa na nasa loob ng mga lambak na mailog sa bulubundukin ng Hapon. Ang dalawang pangunahing mga cultivar na nasa pamilihan ay ang W. japonica 'Daruma' at 'Mazuma', subalit maraming pang iba.[3]
Wasabi | |
---|---|
Wasabi | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | Wasabia
|
Espesye: | W. japonica
|
Pangalang binomial | |
Wasabia japonica |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Eutrema japonica (Miq.) Koidz". Germplasm Resources Information Network, USDA.
- ↑ "Wasabia japonica". MULTILINGUAL MULTISCRIPT PLANT NAME DATABASE, The University of Melbourne.
- ↑ Growing Edge (2005). the Best Of Growing Edge International 2000-2005. New Moon Publishing. p. 57. ISBN 978-0-944557-05-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)