Wat Chedi Luang
Ang Wat Chedi Luang (Thai: วัดเจดีย์หลวง, lit. templo ng malaking stupa o templo ng maharlikang stupa) ay isang Budistang templo sa makasaysayang sentro ng Chiang Mai, Taylandiya. Ang kasalukuyang lupain ng templo ay orihinal na binubuo ng tatlong templo — Wat Chedi Luang, Wat Ho Tham, at Wat Sukmin.[1]
Kasaysayan
baguhinAng pagtatayo ng templo ay nagsimula noong ika-14 na siglo, nang binalak ni Haring Saen Muang Ma na ilibing doon ang mga abo ng kaniyang ama. Pagkaraan ng 10 taon ng pagtatayo ay hindi ito natapos, sa kalaunan ay ipagpatuloy pagkatapos ng pagkamatay ng hari ng kaniyang balo. Marahil dahil sa mga problema sa katatagan ay inabot hanggang sa kalagitnaan ng ika-15 siglo upang matapos ito sa loob ng panahon ng paghahari ni haring Tilokaraj. Noon ay 82 m ang taas at may baseng diametro na 54 m, sa panahong iyon ang pinakamalaking gusali sa lahat ng Lanna. Noong 1468, ang Esmeraldang Buddha ay inilagay sa silangang nitso nito. Noong 1545, ang itaas na 30m ng estruktura ay gumuho pagkatapos ng isang lindol, at hindinagtagal pagkatapos noon, noong 1551, ang Esmeraldang Buddha ay inilipat sa Luang Prabang.[2]
Noong unang bahagi ng 1990s ang chedi ay muling itinayo, na pinondohan ng UNESCO at ng pamahalaan ng Hapon. Ngunit ang resulta ay bahagyang kontrobersiyal, dahil sinasabi ng ilan na ang mga bagong elemento ay nasa estilong Gitnang Taylandes, hindi sa estilong Lanna. Para sa ika-600 anibersaryo ng chedi noong 1995, isang kopya ng Esmeraldang Buddha na gawa sa itim na jade ang inilagay sa muling itinayong silangang nitso. Ang imahen ay pinangalanang opisyal na Phra Phut Chaloem Sirirat, ngunit karaniwang kilala bilang Phra Yok.
Mga gusali
baguhinNasa bakuran din ng templo ang haligi ng lungsod (Lak Mueang) ng Chiang Mai, na pinangalanang Sao Inthakin. Inilipat ito sa lokasyong ito noong 1800 ni Haring Chao Kawila ; ito ay orihinal na matatagpuan sa Wat Sadeu Muang. Nagtanim din siya roon ng tatlong puno ng dipterocarp, na siyang tutulong sa haligi ng lungsod para protektahan ang bayan. Ang isang pagdiriwang bilang parangal sa haligi ng lungsod ay isinasagawa bawat taon tuwing Mayo at tumatagal ng 6-8 araw.
Sa isang wihan malapit sa pasukan sa templo ay ang estatwa ng Buddha na pinangalanang Phra Chao Attarot (Labing-walong kubit na Buddha), na inihulma noong huling bahagi ng ika-14 na siglo. Sa kabilang panig ng chedi ay isa pang pabelyon na naglalaman ng nakahiga na rebulto ng Buddha.
Ang Wat Chedi Luang ay nagsasagawa ng mga talakayan sa mga monghe araw-araw[3]—ang mga turista ay hinihikayat na makipag-usap sa mga monghe (karaniwan ay mga baguhan) at magtanong sa kanila ng anuman tungkol sa Budismo o Taylandiya.
Galeriya
baguhin-
Stupa ng Wat Chedi Luang
-
Stupa ng Wat Chedi Luang sa gabi
-
Wihan
-
Ang puneraryong pira para kay Chan Kusalo na hugis nok hatsidiling
-
Ang kremasyon ni Chan Kusalo ay isinagawa noong gabi ng Enero 18, 2010
-
Ang pigurang pagkit ni Chan Kusalo sa loob ng vihan ng Wat Chedi Luang
-
Ang mga monghe ay umaawit sa loob ng viharn
-
Wat Chedi Luang sa dapit-hapon
-
Ang looban ng Dambana ng Haligi ng Lungsod
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Michael Freeman. Lanna: Thailand's Northern Kingdom. p. 74. ISBN 978-9748225272.
- ↑ 'Wat Chedi Luang: Temple of the Great Stupa', in: Forbes, Andrew, and Henley, David, Ancient Chiang Mai Volume 4. Chiang Mai ,Cognoscenti Books, 2012. ASIN: B006J541LE
- ↑ "Monk chats: How to find a friendly Buddhist monk to talk to in Thailand".