Si Wayda Cosme[1] ay ang unang Aetang Pilipinong naging manananggol sa Pilipinas. Nakamit niya ang katayuan ng pagiging abogadoo noong maipasa niya ang pagsusulit ng pagkamanananggol noong 2001, sa edad na 26. Nagtapos siya ng pag-aaral ng abogasya mula sa Mga Kolehiyong Harvadian (Harvadian Colleges) sa Lungsod ng San Fernando sa Pampanga. Kasalukuyang naghahanapbuhay si Cosme bilang isang babaeng manananggol para sa kompanyang Clark Development Corporation.

Sanggunian

baguhin
  1. First Aeta Lawyer: Wayda Cosme Naka-arkibo 2012-03-28 sa Wayback Machine., First in the Philippines, TxtMania.com at Philippine Daily Inquirer


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.