Ang webtun (Koreano: 웹툰, Ingles: webtoon) ay isang uri ng elektroniko o didyital na komiks (webcomic) na nagmula sa Timog Korea. Sa simula, hindi lubos na kilala ang webtun sa ibang panig ng mundo maliban lamang sa South Korea, subalit mabilis na lumakas ang internasyunal na katanyagan nito dahil sa paglaganap ng mga komiks na nabubuksan na sa pamamagitan ng mga smartphone. Ilang lamang sa mga tanyag na lathalaan ng mga webtun ay ang Daum Webtoon at Naver Webtoon.

Isang halimbawa ng webtun

May tatlong pangunahing katangian ang isang webtun:

  1. Ang bawat kabanata ay nakaguhit sa isang makitid pero mahaba at patayong kambas (tinatawag na infinite canvas).
  2. Kinulayan ito kaysa naka black-and-white (dahil hindi naman ito ilalathala sa papel)
  3. May iilang webtung nilagyan na ng musika at animation.

Mga tanyag na webtoon

baguhin
  • Lookism (2014-kasalukuyan) ni Park Tae-joon
  • Yumi's Cells (2015-20) ni Lee Dong-gun
  • The God of High School (2011-kasalukuyan) ni Park Yong-je
  • Noblesse (2007-19) nina Son Jeho at Lee Kwangsu
  • Tower of God (2010-kasalukuyan) ni S.I.U.
  • Love Alarm (2014-kasalukuyan) ni Chon Kye-young
  • True Beauty (2018-kasalukuyan) ni Yaongyi
  • Sweet Home (2017-20) nina Kim Carnby at Hwang Young-chan