Si Wesley So (ipinanganak noong Oktubre 9, 1993) ay isang Pilipinong tituladong-Grandmaster na manlalaro ng ahedres. Nakuha niya ang titulong iyon sa edad na 14 taon, 1 buwan at 28 araw. Iyon ang naglagay sa kaniya sa pagiging ikapito sa mga pinakabata na makamit ang titulong Grandmaster sa larangan ng ahedres.[1] Bago maging ganap na Grandmaster, siya rin ang naging pinakabatang International Master sa edad na 12 taon at 10 buwan. Ang nakaraang pinakabatang Pilipinong IM ay ang ngayo'y GM Mark Paragua sa edad na 14 taon 8 buwan.

Wesley So
Pangalan Wesley Barbasa So
Bansang pinanggalingan  Pilipinas
Kapanganakan (1993-10-09) 9 Oktubre 1993 (edad 30)
Cavite, Pilipinas
Titulo Grandmaster (GM)
Kasalukuyang puntos ayon sa FIDE FIDE 2752 (Pebrero 2017)
Pinakamataas na nakuhang puntos 2822 (Disyembre 2023)

Kabataan

baguhin

Ipinanganak si So sa Cavite noong 1993 kay William at Eleanor So, na parehong kuwentista. Anim na taong gulang pa lang siya nang matutuhan niya ang paglalaro ng ahedres sa kaniyang ama at siyam na taong gulang nang mag-umpisa siyang sumali sa mga pambatang torneo ng ahedres kung saan ang kanyang agresibong pamamaraan ay napansin ng dating Pambansang kampeon ng ahedres IM Rodolfo Tan Cardoso. Sabi niya, "Kaya niyang isakripisyo ang kahit ano niyang piyesa upang makakuha ng magandang pag-atake." Ayon din sa kaniya, hindi niya kaya ang mga ganap na pagsasanay na tinatamasa ng ibang mga batang manlalaro ng ahedres, sa pagsasabing "Hindi kaya ng kaniyang bulsa ang magandang pagsasanay na ibinibigay ng mga kilalang tagapagsanay at kailangang umasa sa kanyang kakayahan, tiyaga at sa mga programang Fritz bago lumaban."

Kasalukuyang pumapasok si So sa St. Francis of Assisi College System sa Bacoor, Cavite, isang lalawigan sa timog ng Maynila.[2]

Karera sa Ahedres

baguhin

Noong 2006, siya ang pinakabatang miyembro ng pambansang grupo ng mga kalalakihan na lumahok sa Ika-37 na Olympiad sa Ahedre sa Turin, Italya sa edad na 12. Sa Disyembre ng taong ding iyon, siya ang naging pinakabatang kampeon sa Pambansang Pambatang Torneo ng Ahedres. Nakuha ni So ang gintong medalya sa Pansandaigdigang Kampeonato na para sa Edad 16 pababa sa puntos na 9½/10.

Sa listahan ng FIDE noong Oktubre 2007, siya ang sinasabing pinakamahusay na manlalaro sa kanyang grupo (mga manlalarong ipinanganak noong 1993 at pagkatapos) na may 2531 puntos, angat ng 29 puntos sa Intsik na WGM Hou Yifan (ipinanganak noong 1994) at angat ng 17 puntos sa Hindung GM Parimarjan Negi (ipinanganak noong 1993).

Nakamit din niya ang kanyang ikatlo at pinakahuling titulo noong Disyembre 8, 2007 sa ikatlong Pichay Cup International Open (Maynila, Pilipinas), kaya siya ang naging pinakabatang Grandmaster ng Pilipinas sa edad na 14.[3] Siya rin ang naging ikapitong pinakabatang nagkamit ng titulong Grandmaster sa kasaysayan ng ahedres, sa pangunguna sa Pranses na GM Etienne Bacrot mula sa puwestong iyon nang ilang araw. Nakuha niya ang kanyang unang titulo sa Offene Internationale Bayerische Schaha Meisterschaft sa Bad Wiessee, Alemanya at ang kanyang kasunod na titulo sa 2007 U-20 World Junior Chess Championship sa Yerevan, Armenia. Mula noong Disyembre 2007, naituring na siya bilang kasalukuyang pinakabatang Grandmaster sa larangan ng ahedres sa edad na labing-apat.

Paglabas ng listahan ng FIDE noong Abril 2008, ang mga puntos ni GM So ay umakyat sa 2540 na nagdala sa kanya sa pagiging pinakamagaling na manlalaro ng ahedres sa Pilipinas, sa kanyang paglampas kina Mark Paragua, Bong Villamayor, Nelson Mariano at Darwin Laylo.[4]

Noong Abril 16, 2008, napanalunan ni So ang titulo sa Dubai Open Chess Championships, "The Sheikh Rashed Bin Hamdan Al Maktoum Cup", sa Dubai Chess Club, Dubai, United Arab Emirates at naging pinakabatang kampeon sa 10-taong kasaysayan ng Kampeonato. Nagtapos siya na may pitong puntos matapos ang anim na panalo, isang talo at dalawang tabla matapos ang siyam na laro. Napanalunan niya ang isang kapat ($4,500) ng buong premyo na $18,000.[5][6] Naging ikatlo din siya Torneong Blitz ng Dubai Open Chess Championships na ginanap sa araw ng pagpapahinga sa unang kampeonato.

Ang pinakamahusay na manlalaro ng Pilipinas ay pumunta sa Jakarta, Indonesa sa paglaban niya sa nangungunang manlalaro ng Indonesia na si GM Susanto Megaranto sa puntos na 4-2 (tatlong panalo, dalwang tabla at isang talo) matapos ang anim na laro sa JAPFA Chess Festival.[7]

Noong Mayo 5, 2008, napanalunan niya ang P 200,000 sa “Battle of GMs” kompetisyon sa ahedres sa pagkuha ng 8½ puntos (anim na panalo at limang tabla) sa Citystate Hotel, Manila. lamang ng isang puntos kay Eugene Torre at Richard Bitoon, napagkasunduang ibigay ni So ang kalahati sa Pambansang Pambatang Kampeon na si Jon Paul Gomez matapos ang tatlumpung galaw ng Depensang Pranses.[8]

Results

baguhin
Petsa Torneo Pinangyarihan Lugar Puntos Palatandaan
May 2008 2nd Philippine Open International Chess Tournament [9] Subic, Pilipinas ginaganap ginaganap ginaganap
Apr/May 2008 2008 Philippine "Battle of Grandmasters"[10] Maynila, Pilipinas 1 8.5 11
Apr 2008 2008 Japfa Chess Festival 2008 vs GM Susanto Megaranto of Indonesia Jakarta, Indonesia 1 4 6 Anim na laro, binantayan ng FIDE
Apr 2008 2008 Dubai Open Blitz Tournament Dubai, UAE 3 7 9
Apr 2008 10th Dubai Chess Championship[11] Dubai, UAE 1 7 9
Mar 2008 Mayor Allen Singson Open Chess Tourney[12] Candon City, Pilipinas 1 6 7
Jan 2008 "GM Tournament A" ASEAN Masters Chess Circuit Tarakan, Indonesia 4
Dec 2007 Fianchetto Realty/Gold Edge Assets Christmas Invitational Tournament Prince Gregory Condominium, Cubao, Quezon City 1 (kategoryang GM-IM blitz)
Dec 2007 2007 Pichay Cup International Chess Tournament Nakuha ang kanyang huling GM norm, naging pangpito sa pinakabatang Grandmaster sa kasaysayan ng ahedres at pinakabata .
Nov 2007 2007 GMA Cup International Chess Tournament 9th / 64
Oct 2007 World Junior Chess Championship Nakuha ang ikalawang titulong GM
18-20 Jun 2007 Shell Battle of Champions, 15th Anniversary Megamall, Ortigas 1
06-09 May 2007 National Juniors Open Chess Championship Marketplace, Kalentong 1
25-31 Dec 2006 3rd Singapore Masters International Open Singapore Tied for 4th place Pang-14 sa 99 na manlalaro
Dec 2006 National Open Chess Championship SM Manila 1
2006 Nov 17-23 1st President GMA Cup International Chess Tournament Paranaque, Manila Tied for 6th place Karangalan: pinakamagaling sa mga bata
2006 Nov 04-12 Offene Internationale Bayerische Schaha Meisterschaft Bad Wiessee, Germany Tabla sa pangalawang puwesto Nakuha ang unang titulong GM Karangalan sa pagkamalikhain: iginawad ng Rusong sayt na e3e5.
2006 Oct 20-28 III Festival de Ajedrez Open Internacionale Calvia, Spain Pinakamagaling sa edad na 16 pababa, Blitz.
2006 Oct 08 Iginawad ng FIDE ang titulong International Master
2006 Aug 20-28 3rd IGB Dato Arthur Tan Malaysia Open Chess Championship Kuala Lumpur Pinakamagaling sa edad na 16 pababa. Earned 3rd IM norm.
2006 Jun 05-11 2nd San Marino Open Internationale de Scacchi San Marino Republic Pinakamagaling sa edad na 16 pababa. Nakuha ang ikatlong titulong IM
2006 May20-Jun04 37th Chess Olympiad Torino, Italy Youngest RP Olympian.
2006 Apr22-May02 8th Dubai Open Chess Championship, Sheikh Rashid Bin Hamadan Ak Maktoum Cup Dubai, UAE Nakuha ang titulong IM
2005 Dec 26-30 Masters/Challengers Intl Open Singapore Finished 32nd individual Pinakamagaling sa edad na 12 pababa
2005 Aug 01-06 Nice Open International Nice Finished 9th
2005 Jul 18-29 World Youth Chess Championship Belfort, France Tabla sa unang puwesto
2005 June 14-20 7th Asean Age-Group Chess Championship Pattaya, Thailand Mga karangalan: Gintong Medalya, Pangkaraniwang Ahedres; Gintong Medalya, Madaliang Ahedres; Gintong Medalya, Mas Madaliang Ahedres.
2004 Dec 01-08 World Youth Chess Championship Crete Pang-13.
2004 Sep 02-12 6th Asean Age-Group Chess Championship Vung Tau, Vietnam Mga karangalan: Gintong Medalya, Pangkaraniwang Ahedres; Gintong Medalya, Madaliang Ahedres.

Karangalan sa Grupo: Pilak na medalya, Pangkaraniwang Ahedres, Pilak na medalya, Madaliang Ahedres.

2003 Nov 03-10 World Youth Chess Championship Heraklio, Greece Pang-19

Mga pinagkunan

baguhin
  1. GmaNews.Tv, So is now RP's youngest GM, world's 7th youngest (sa Ingles)
  2. Luarca, Roy (2008-04-16). "Brilliant Wesley So tops tough Dubai Open - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos". Inquirer.net. Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-02-07. Nakuha noong 2008-05-14. Si So, ngayo'y papunta na sa kanyang ikatlong taon sa mataas na paaralan sa St. Francis of Assisi College System-Bacoor, ay lumupig sa kanyang unang limang kalabam.... {{cite web}}: More than one of |author= at |last= specified (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)(sa Ingles)
  3. So newest, youngest GM from Manila Standard Today Naka-arkibo 2008-05-10 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  4. FIDE Online. Country Top 100 and Stats: Pilipinas (mga aktibong mga manlalaro) (sa Ingles)
  5. manilastandardtoday.com, So wins Dubai Open, $4.5k Naka-arkibo 2008-04-19 sa Wayback Machine.(sa Ingles)
  6. gulfnews.com, World's youngest GM So wins Dubai Open Naka-arkibo 2009-02-07 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  7. [1] (sa Ingles)
  8. Abs-Cbn Interactive, So wins ‘Battle of GMs’ title[patay na link] (sa Ingles)
  9. 2nd Philippine Open International Chess Tournament Naka-arkibo 2009-02-07 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  10. Clash of Philippines' best chess players[patay na link] (sa Ingles)
  11. GM Wesley So in $45,000 Dubai Chess 2008 Naka-arkibo 2008-05-22 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  12. GM Wesley So to join and hold simul games - Allen Singson Chess[patay na link] (sa Ingles)

Mga palabas na kawing

baguhin