Wikang Litwano
Ang wikang Litwano ay isa sa mga wikang Baltiko. Nagmula ito sa Lituwaniya, na sinasalita sa ilang bansang Europeo, pati na sa mga Amerika at Australya. Kasama ng wikang Latbyano, ito na lamang ang natitirang mga wikang Baltiko. Kapwa may pagkakapareho ang mga wikang ito, bagaman mas kakaunti ang inangking mga salita ng Litwaniyano mula sa wikang Aleman at iba pang mga wika. Subalit, matagal na panahon nang naapektuhan ng mga wikang Islabiko ang wikang Litwano, kaya't ang mga "barbarismo" ay napalitan ng mga salitang Litwano noong 1920 lamang, sa pamamagitan ng pilologong si Jonas Jablonskis at iba pa. May dalawang pangunahing diyalekto ang Litwano. Ang Samogityano ang pinakalaganap ginagamit sa Kanlurang Litwaniya, samantalang ang Aukštaitiano (diyalekto ng mga nasa Mataas na Lupain) ay mas pinakamalawakang ginagamit sa buong bansa. Nagmula ang pamantayang Litwano sa Kanluraning Aukštaitiano. Ang unang aklat na nasulat sa Litwano ay ang Katekizmas ni Martynas Mažvydas. Nalathala ito sa Silangang Prusya noong 1547.
Lithuanian | |
---|---|
lietuvių kalba | |
Katutubo sa | Lithuania |
Rehiyon | Baltic |
Pangkat-etniko | Lithuanians |
Mga natibong tagapagsalita | 3.0 million (2012)[1] |
Mga diyalekto | |
Latin (Alpabetong Litwano) Lithuanian Braille | |
Opisyal na katayuan | |
Lithuania European Union | |
Kinikilalang wika ng minorya sa | |
Pinapamahalaan ng | Commission of the Lithuanian Language |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-1 | lt |
ISO 639-2 | lit |
ISO 639-3 | Alinman: lit – Modern Lithuanian olt – Old Lithuanian |
Glottolog | lith1251 |
Linguasphere | 54-AAA-a |
Map of the area of the Lithuanian language in the late 20th century and the 21st century | |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Wikang Litwano at Ethnologue (19th ed., 2016)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.