Wikang Napolitano
Ang Napolitano (awtonimo: ('o n) napulitano IPA: [(o n)napuliˈtɑːnə]; Italyano: napoletano) ay isang wikang Romanse ng grupong Italo-Dalmata na sinasalita sa karamihan ng kalupaang Katimugang Italya, maliban sa katimugang Calabria at katimugang Apulia,[2][3][4] at sinasalita sa isang maliit na bahagi ng Kalagitnaang Italya (ang lalawigan ng Ascoli Piceno sa Marche). Ito ay pinangalanan sa Kaharian ng Napoles na dating sumakop sa kalakhan ng lugar, kung saan ang lungsod ng Napoles ang kabesera. Noong Oktubre 14, 2008, isang batas ng Rehiyon ng Campania ang nagsasaad na ang Napolitano ay dapat pangalagaan.[5]
Napolitano | |
---|---|
napulitano | |
Katutubo sa | Italya |
Rehiyon | Abruzzo, Apulia, Basilicata, Calabria, Campania, Lazio, Marche, Molise |
Mga natibong tagapagsalita | 5.7 milyon (2002)[1] |
Indo-Europeo
| |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | nap |
ISO 639-3 | nap |
Glottolog | neap1235 Kontinental na Katimugang Italyanosout3126 Timog Lucano = (Vd) Lausberg |
Intermedyang mga diyalektang Timog Italyano | |
Napolitano bilang bahagi ng mga wikang Romanseng Europeo |
Ang terminong "wikang Napolitano" ay malawakang ginagamit sa artikulong ito upang tumukoy sa grupo ng mga malapit na nauugnay na Romanseng diyalekto na matatagpuan sa katimugang kontinental na Italya, gaya ng inilarawan sa itaas. Gayunpaman, gaya ng ipinahihiwatig mismo ng termino, maaari rin itong mas partikular na tumutukoy sa wikang katutubo sa lungsod ng Napoles at sa kalakhang sakop nito. Sa mga konteksto mula sa kolokyal na pananalita hanggang sa akademikong lingguwistika, "Napolitano", napulitano, o napoletano ay kadalasang tumutukoy sa mga partikular na varayti na sinasalita sa Napoles at ang nakapaligid kaagad na kalakhang pook ng Napoles.[6][7]
Mga sanggunian
baguhin
- ↑ Napolitano sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
- ↑ Minahan, James (2002). Encyclopedia of the Stateless Nations: L-R. Greenwood Publishing Group. p. 1348. ISBN 978-0-313-32111-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ J.-P. Cavaillé; Le napolitain : une langue majoritaire minorée. 09 mars 2007.
- ↑ "The Guardian for the list of languages in the Unesco site". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-06-10. Nakuha noong 2021-12-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tutela del dialetto, primo via libera al Ddl campano" Naka-arkibo 27 July 2011 sa Wayback Machine. ("Bill to protect dialect green lighted") from Il Denaro, economic journal of South Italy, 15 October 2008 Re Franceschiello. L'ultimo sovrano delle Due Sicilie
- ↑ Ledgeway, Adam. 2009. Grammatica diacronica del napoletano. Tübingen: Max Niemeyer Verlag, pp. 3, 13-15
- ↑ Radtke, Edgar. 1997. I dialetti della Campania. Roma: Il Calamo. pp. 39ff