Wikang Yidis

Hermanikong wikang sinasalita ng mga Hudiyong Askenasi
(Idinirekta mula sa Wikang Yiddish)

Ang Yidis (ייִדיש, yidish) ay isang wikang Hermaniko na sinasalita ng mahigit-kumulang tatlong milyong tao sa daigdig, karamihan mga Hudiyong Ashkanazi. Bago ng Sho’a mayroon itong mahigit-kumulang 12 milyon mananalita, ang pinakamarami sa Silangang Europa.

Ang mismong pangalang yidish ay ang Yidis ng "Hudyo" (ikompara sa jüdisch ng Aleman) at maaaring pinaikling anyo ng yidishtaytsh (ייִדיש־טײַטש), o “Alemang Hudyo”.

Palabaybayan

baguhin

Bagaman ginagamit nito ang parehong alpabeto tulad ng Ebreo, gumagamit ang Yidis ng ilang diagraphs pati na rin ng mga titik na binago ng mga tandang dyakritiko, lahat na itinuturing na mga hiwalay na titik sa palabaybayang Yidis. Buo ang pagkakaiba ng Yidis sa Ebreo, kasama na sa ponolohiya at gramatika. Kapag dalawang anyo ng titik ang nailalarawan, ang pangalawang anyo (sa kaliwa) ang tinatawag na malaki at ang anyong ginagamit sa dulo ng mga salita. Di-tulad sa Ebreo, na karaniwang mga katinig lang ang sinusulat, sinusulat nang buo ang mga patinig sa Yidis, gamit ang mga titik alef, vov, yud, at ayin (tingnan sa ibaba).

Ang alpabetong Yidis:

Hugis Transkripsiyong YIVO Pangalan Mga puna
א (walang transkripsiyon) shtumer alef Sinusulat bago ng simulaing י at ו kung tungkulin nila maging patinig
אַ a pasekh alef
אָ o komets alef
ב b beys
בֿ v veys Ginagamit lamang sa mga salitang may pinagmulang Semitiko
ג g giml
ד d daled
ה h hey
ו u vov
וּ u melupm vov Ginagamit lamang kung katabi ng ו o kung bago mag-י
ז z zayen
ח kh khes Ginagamit lamang sa mga salitang may pinagmulang Semitiko
ט t tes
י y, i yud y kung katabi ng patinig; kung hindi, i
יִ i khirik yud Ginagamit lang kapag katabi ang isang patinig
כּ k kof Ginagamit lamang sa mga salitang may pinagmulang Semitiko
כ ך kh kof, lange kof Ginagamit ang malaking kof sa dulo ng salita
ל l lamed
מ ם m mem, shlos mem Ginagamit ang shlos mem sa dulo ng salita
נ ן n nun, lange nun Ginagamit ang malaking nun sa dulo ng salita
ס s samekh
ע e ayin
פּ p pey Di-tulad ng fey, hindi nagpapalit-anyo sa dulo ng salita
פֿ ף f fey Ginagamit lamang ang pangalawang anyo sa dulo ng salita
צ ץ tz tsadek, lange tsadek Ginagamit ang malaking tsadek sa dulo ng salita
ק k kuf
ר r reysh
ש sh shin
שׂ s sin Ginagamit lamang sa mga salitang may pinagmulang Semitiko
תּ t tof Ginagamit lamang sa mga salitang may pinagmulang Semitiko
ת s sof Ginagamit lamang sa mga salitang may pinagmulang Semitiko

Gumagamit din ng ilang diagraph ang Yidis:

Hugis Transkripsiyong YIVO Pangalan
װ v tsvey vovn
זש zh zayen-shin
טש tsh tes-shin
ױ oy vov yud
ײ ey tsvey yudn
ײַ ay pasekh tsvey yudn

Isang katangian ng baybaying Yidis ang pagbaybay ng mga salitang nagmula sa Ebreo tulad ng pagbaybay nito sa Ebreo mismo. (Bagaman sa mga lathalang Sobyet, sinusulat ang lahat ng mga salita ayon sa mga panutong Yidis.)

Sa buong artikulong ito, ginagamit ang transkripsiyong YIVO kasama ng alpabetong Yidis.

Gramatika

baguhin

Mga pantukoy

baguhin
Panlalaki Balaki Pambabae Pammaramihan
Palagyo דער der דאָס dos די di די di
Akusatibo דעם dem דאָס dos די di די di
Datibo דעם dem דעם dem דער der די di

אן an ang pantukoy na indefinite bago ng salitang nagsisimula sa patinig at א a sa lahat ng iba pang kaso.

Mga panghalip

baguhin
Unang Panauhan Ikalawang Panauhan Ikatlong Panauhan
Pang-isahan Pammaramihan Pang-isahan Pammaramihan Panlalaki Balaki Pambabae Pammaramihan
Palagyo איך ikh מיר mir דו du איר ir ער er עס es זי zi זײ zey
Akusatibo מיך mikh אונדז undz דיך dikh אײַך aykh אים im עס es זי zi זײ zey
Datibo מיר mir אונדז undz דיר dir אײַך aykh אים im אים im איר ir זײ zey

Mga pandiwa

baguhin

Pagbanghay

baguhin

Binabanghay ang mga pandiwang Yidis ayon sa person at bilang. Binabanghay ang panahong kasalukuyan nang ganito:

קױפֿן koyfn ‘bili’ פֿארלירן farlirn ‘mawala’
איך ikh קױפף koyf פֿארליר farlir
דו du קױפֿסט koyfst פֿארלירסט farlirst
ער er/זי zi/עס es קױפֿט koyft פֿארלירט farlirt
מיר mir קױפֿן koyfn פֿארלירן farlirn
איר ir קױפֿט koyft פֿארלירט farlirt
זײ zey קױפֿן koyfn פֿארלירן farlirn

Hindi na ginagamit sa Yidis, di-tulad ng Aleman, ang binabanghay na pangnagdaang panahunan; ginagamit na sa halip ang pangnagdaang pandiwari, binubuo ng mga anyo ng האָבן hobn o זײַן zayn at ng pagnagdaang pandiwari ng pandiwa. Irregular ang pagbanghay sa hobn at zayn.

האָ1489;ן hobn זײַן zayn
איך ikh האָב hob בין bin
דו du האָסט host ביסט bist
ער er/זי zi/עס es האָט hot איז iz
מיר mir האָבן hobn זײַנען zaynen
איר ir האָט hot זײַט zayt
זײ zey האָבן hobn זײַנען zaynen

Halimbawa, ang pagnagdaang panahunan ng איך קױף ikh koyf ‘bumibili ako’ ay איך האָב געקױפֿט ikh hob gekoyft ‘bumili ako’, at ang pagnagdaang panahunan ng איך קום ikh kum ‘dumarating ako’ ay איך בין געקומען ikh bin gekumen ‘dumating ako’.

Pangnagdaang pandiwari

baguhin

Ekstensibo ang paggamit ng pangnagdaang pandiwari sa Yidis. Binubuo ng karamihan ng mga pandiwa (pandiwang mahihina) ang kanilang pangnagdaang pandiwari sa pagdagdag ng -גע at ט- sa stem, hal. געקױפֿט gekoyft ‘binili.’ Gayunman, may isa rin pangkat ng mga padiwa, mga tinatawag na pandiwang malalakas, na binubuo ang pangdagdaang pandiwari gamit ng -גע at נ-, at kasama ng pagbabago ng patinig, hal. געהאָלפֿן geholfn ‘tinulungan’ mula sa stem na -העלפֿ helf- ‘tulungan.’ Hindi mahuhula ang pag-iba ng patinig at kinakailangan itong isaulo.

Walang paraan para matiyak mula sa anyong pawatas kung ang isang pandiwa ay malakas o mahina.

Mga panahon

baguhin

Hindi na ginagamit sa Yidis ang pagnagdaang panahunan; ginagamit na sa halip ang pangnagdaang pandiwari, binubuo ng mga angkop na anyo ng האָבן hobn o זײַן zayn at ng pagnagdaang pandiwari ng pandiwa. Ilang mga pandiwa ang ginagamit ang האָבן ‘hobn’, habang ang iba naman ay ang ginagamit ang זײַן ‘zayn’.

Tingnan din

baguhin

Mga libro

baguhin
  • Cohen, David. Yiddish: A holy language. New York: Mesorah Publications.
  • Katz, Dovid. 2004. Words on fire: The unfinished story of Yiddish.
  • Liptzin, Sol. 1972 A history of Yiddish literature. Middle Village: Jonathan David Publishers.
  • Weinreich, Uriel. 1999. College Yiddish : An introduction to the Yiddish language and to Jewish life and culture, 6th ed. New York: Institute for Jewish Research.

Mga pinagkuhanan

baguhin
  • Melamed, S. M. 27 Setyembre 1925. “The Yiddish Stage”. The New York Times.
  • Weinreich, Max. 1945. «Der yivo un di problemen fun undzer tsayt». YIVO-bleter 25.1.13. (Quoted from [1] Naka-arkibo 2005-04-05 sa Wayback Machine.)

Mga panlabas na kawing

baguhin
 
Wikipedia
Edisyon ng Wikipedia sa Wikang Yidis