Holokausto
Ang Holokausto (mula sa Griyego: ὁλόκαυστον (holókauston): holos, "buong-buo" at kaustos, "nasunog", bilang salin sa Hebreong: עולה, ola, "handog na susunugin",[1] sa Septuwahinta), at tinatawag ding Sho'a (Ebreo: שואה), Khurben (Yidish: חורבן) ay isang pangkalahatang tawag sa paglalarawan ng kaparaanang pagpaslang sa mahigit-kumulang anim na milyong Europeong Hudyo noong kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bilang bahagi ng paluntunan na binalak at tinupad ng pamumunong Nazi sa Alemanya, na pinamumunuan noon ni Adolf Hitler.[2][3]
Pinagmulan ng salitang "holokausto"[4] ang malawakang sunog; malaganap na pagkasalanta o pagkawasak, sakuna, o alay na sinusunog.
Ang isa sa pinakasentral at pinakakontrobersiyal na ideolohiya ni Hitler na kanyang tinatawag at ng kanyang mga tagasunod na "kalinisan ng lahi"(racial hygiene). Ang mga patakarang mabuting lahi(eugenic) ni Hitler ay sa simula ay tumututok lamang sa mga batang may pisikal at pag-unlad(developmental) na kapansanan sa programang tinawag na Action T4.
Ang ideya ni Hitler ng Lebenstraum na tinaguyod sa Mein Kampf ay nakatutok sa pagkakamit ng mga bagong lupain na matitirhan ng mga Aleman sa Silangang Europa. Ang Generalplan Ost ("General Plan for the East")o Pangkalahatang Balak para sa Silangan ay tumatawag sa populasyon ng mga nasakop na Silangang Europa at Kaisahang Soviet na ipatapon sa Kanlurang Siberia, gawing alipin, o ipapatay. Ang mga nasakop na teritoryo ay pupunuin ng mga Aleman o mga naging Alemang titira. Ayon sa Amerikanong mananaysay na si Timothy D. Snyder:
- Inisip ni Hitler ang pagsakop na nag-aalis ng pagkamakabago ng Kaisahang Soviet at Poland na kikitil sa sampung milyong mga buhay. Ang nakikitang bisyon ng pamumunong Nazi ay isang silangang hangganan na naubos ang populasyon at naalis ang industrialisasyon at ginawang pagsasakang sakop ng mga pinunong Aleman. Ang pangitaing ito ay may apat na mga bahagi. Una, ang Soviet ay babagsak pagkatapos ng pagwagi ng mga Aleman sa tag-init ng 1941 gaya ng ng nangyari sa Poland noong tag-init ng 1939 na mag-iiwan sa mga Aleman ng lubos na kontrol sa Poland, Belarus, Ukraine, kanlurang Russia at Caucasus. Ikalawa, ang planong paggutom ay papatay sa mga 30 milyong mamamayan ng mga lupaing ito sa tag-ginaw nang 1941-1942 habang ang mga pagkain ay inililipat sa Alemanya at kanlurang Europa. Ikatlo, ang mga hudyo sa Kaisahang Soviet na nakaligtas sa paggutom kabilang na ang mga Hudyong taga Poland at ibang mga Hudyong nasa pangangasiwa ng Alemanya ay uubusin sa Europa sa isang solusyong pangwakas. Ikaapat, ang Generalplan Ost ay nakikita ang pagpapatapon, pagpatay, pang-aalipin at ang paglagom ng mga natitirang populasyon at muling pagtira sa silangang Europa ng mga mananakop na Aleman pagkatapos ng pagkapanalo...Nang maging malinaw noong ikalawang kalahati ng 1941 na ang digmaan ay hindi umaayon sa plano, ginawang malinaw ni Hitler na ang pinal na solusyon ay ipatupad agad.
Sa pagitan ng 1939 at 1945, ang Schutzstaffel (SS) na tinulungan ng nakikipagsabwatang mga pamahalaan at akay sa mga sinakop na bansa ang responsable sa kamatayan ng labing-isa hanggang labing-apat na milyong katao kabilang ang anim na milyon mga hudyo na kumakatawan sa dalawa sa tatlo(2/3) ng populasyon Hudyo sa Europa. Ang pagpatay ay naganap sa mga konsentrasyong mga kampo(concentration camps), ghetto, at sa pamamagitan ng eksekusyon ng masa. Karamihan sa mga biktima ng Holokausto ay ginaas gamit ang nakalalasong mga gaas samantalang ang iba ay namatay sa kagutuman o sakit habang aliping pinagtatrabaho.
Ang mga patakaran ni Hitler ay nagresulta rin sa pagpatay ng mga Pole, mga bilanggo ng digmaang Soviet at ibang mga kalabang pampolitika, mga homosekswal, Roma, ang mga may kapansanang pisikal at sakit sa pag-iisip, mga saksi ni Jehovah, mga Sabadista, mga uniyonista ng kalakalan. Ang isa sa pinakamalaking sentro ng pagpatay ng masa ang kampong eksterminasyong kompleks ng Auschwitz-Birkenau. Si Hitler ay hindi kailanman bumisita sa mga konsentrasyong kampo(concentration camps) at hindi nagsalita sa publiko ng tungkol sa mga pagpatay.
Ang Holokausto (ang "Endlösung der jüdischen Frage" o "Pinal na Solusyon ng Katanungang Hudyo") ay pinangasiwaan at isinagawa ni Heinrich Himmler at Reinhard Heydrich. Ang mga tala ng kumperensiyang Wannsee na naganap noong 20 Enero 1942 at pinamunuan ni Reinhard Heydrich kasama ang labinlimang senyor na opisyal ng Nazi(kabilang si Adolf Eichmann) na lumahok dito ay nagbigay ng maliwanag na ebidensiya ng sistematikong pagpaplano ng Holokausto. Noong Pebrero 22, si Hitler ay muling naitalang nagsabi sa kanyang mga kasamang "muli nating mababawi ang ating kalusugan sa pagubos ng mga Hudyo".
Bagaman walang spesipikong utos mula kay Hitler na nagbibigay ng kapangyarihan sa pagpatay ng masa na lumitaw, kanyang inaprubahan ang Einsatzgruppen na isang pumapatay na skwad(squad) na sumunod sa hukbong Aleman hanggang Poland at Russia at kanyang lubos na alam ang mga gawain nito. Sa pagtatanong ng mga intelihensiyang opiser ng Soviet na ginawang publiko pagkatapos ng limampung taon, ang valet(personal na attendant) ni Hitler na si Heinz Linge, at adjutant(katulong) nitong si Otto Günsche ay nagsaad na si Hitler ay may direktang interes sa paglikha ng mga kulungan ng gaas (gas chambers).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Eksodo 18.12. Magandang Balita.
- ↑ Niewyk, Donald L. The Columbia Guide to the Holocaust (nasa wikang Ingles), Columbia University Press, 2000, p.45: "The Holocaust is commonly defined as the murder of more than 5,000,000 Jews by the Germans in World War II." Tingnan din ang "The Holocaust," Encyclopaedia Britannica (nasa wikang Ingles), 2007: "the systematic state-sponsored killing of six million Jewish men, women and children, and millions of others, by Nazi Germany and its collaborators during World War II. The Germans called this "the final solution to the Jewish question."
- ↑ http://fr.jpost.com/servlet/Satellite?cid=1246443861859&pagename=JPost/JPArticle/ShowFull[patay na link]
- ↑ Holocaust Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., Gabby's Dictionary, GabbyDictionary.com