Wikipedia:Maging matapang

(Idinirekta mula sa Wikipedia:Be bold)
Maging matapang sa pagpapaunlad ng Wikipedia!

Inaanyayahan ng pamayanan ng Wikipedia ang lahat ng mga tagagamit na maging matapang (be bold) habang binabago ang ensiklopedya at, sa pangkalahatan, sa pagpapaunlad ng Wikipedia. Mas mabilis ang pagpapaunlad ng mga wiki tulad nito kapag sama-sama nating iniuunlad ang nilalaman ng Wikipedia: mula sa paglikha ng mga bagong artikulo, sa pagsasaayos ng pagbabaybay at balarila, sa pagdaragdag ng bagong kaalaman sa mga artikulong umiiral na, at kahit sa pag-aambag mo ng iyong mga likhang 'di-teksto tulad ng mga larawan. Nais naming hikayatin ang lahat ng tao na maging matapang sa pagpapabuti ng Wikipedia, lalo nang dahil ito ang nag-iisang ensiklopedya sa wikang Tagalog, at hindi ito lalaki kapag walang taong tutulong sa pagpapaunlad nito.

Ilan beses mo bang napag-isipan kung bakit sa palagay mo hindi kanais-nais ang hitsura ng isang artikulo? O kaya bakit wala ang artikulong hinahanap mo? Hindi ka lang pinahihintulutan ng Wikipedia na baguhin ang isang pahina o magdagdag ng artikulo: hinihikayat ka rin na gawin ito! Tandaan na binubuo ang Wikipedia ng mga kusang-loob mula sa buong mundo: isang maling akala, lalo na sa Pilipinas, ang paniniwalang binabayaran (o kaya'y may sahod) ang mga patnugot ng Wikipedia, at sa takdang panahon lalabas ang isang artikulo dahil binabayaran sila para magsulat. Hindi totoo ang paniniwalang iyon: mga karaniwang tao lamang ang mga patnugot ng Wikipedia, at napakalaking tulong para sa buong pamayanan ang mga bagong kamay na umaambag sa pagtataguyod ng isang mapagkakatiwalaang pinagmulan ng kaalaman.

Hindi lamang sa larangan ng mga artikulong umaabot ang pagiging matapang. Inaanyayahan din namin ang mga tagagamit na mag-iwan ng opinyon sa mga pahinang usapan. Kapag may alitan tungkol sa isang artikulo o bagay, hindi nararapat na manatili kang usisero: kung makakatulong ka sa paglutas ng alitan, maging matapang at sumali sa usapan!

Isang likas na katangian ng wiki ang kakayahang baguhin ang nilalaman nito, at likas dito ang posibilidad na mababago ang iyong mga matapang na ambag sa Wikipedia. Huwag gawing personal ito: walang personalan dito sa Wikipedia. Ayon pa nga kay Francis Bacon, ang kilalang siyentipiko, "kapag ang kabalintunaan ay nagiging paksa ng katatawanan, huwag mong pagdudahan ito, ngunit ang pagiging matapang na matapang ay hindi laging walang kaunting kabalintunaan."[1] Imbis na magalit o mainis, maging matapang muli, ngunit igalang ang mga pagbabago ng mga ibang patnugot.

Mag-ingat sa pagiging matapang

baguhin

Sa pagbabago ng Wikipedia, kailangang tandaan ang kabutihan ng lahat. Maging matapang, ngunit kailangan ding mag-ingat: hinahalaga namin ang pagiging matapang ng mga patnugot, ngunit huwag kang pabaya. Karaniwa'y madaling ayusin ang mga pagbabagong hindi kaaya-aya, ngunit sa pagkakataong nakaranas ka ng problema, huwag matakot na humingi ng payo sa iba.

Hindi kinakailangan na maging matapang ang lahat ng mga tagagamit. May ilang tagagamit na mas komportable sa paglalahad ng mga problema, at minsan ang paglalahad ng problemang iyon ay nagsisilbing unang hakbang sa paglutas ng problemang iyon. Gayunpaman, hindi nating maitatanggi na mas mataas ang probabilidad na malulutasan ang isang problema, at mas mabilis ang paglutas nito, kapag naging matapang ka at sinubukan mong ayusin ang problemang iyon.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Bacon, Francis (1625). Mga Sanaysay o Payo, Sibil at Moral.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (orihinal na pagbanggit: "For if absurdity be the subject of laughter, doubt you not but great boldness is seldom without some absurdity.")