Wikipedia:Dalawampung taon ng Wikipediang Tagalog
Maligayang ika-20 anibersaryo sa Wikipediang Tagalog!
| ||||
---|---|---|---|---|
Maligayang ika-20 anibersaryo sa Wikipediang Tagalog!
| ||||
---|---|---|---|---|
Noong Disyembre 1, 2023 ang ika-20 anibersaryo ng Wikipediang Tagalog at ang pagtatapos ng patimpalak na Buwan na Pang-Asya sa Wikipedia ng 2023 ang nagsilbing pagdiriwang na aktibidad at pasasalamat na rin sa lahat ng mga boluntaryo na nag-ambag sa proyektong ito sa nakalipas na dalawang dekada. Umasa ang pamayanang Wikipediang Tagalog na ang patimpalak na ito ay humimok ng marami pang boluntaryo na magsulat at mapabuti pa ang proyektong ito upang makinabang ang publiko lalo na ang mga tagapagsalita ng wikang Tagalog. Natapos ang patimpalak na may 50 artikulong naidagdag o napabuti.
Nagkaroon din ng Site Notice (o Paalala ng Sayt) tungkol sa ika-20 anibersaryo ng Wikipediang Tagalog na nagsimula noong Nobyembre 30, 2023 at magtatapos sa Enero 5, 2024. Ginawa ang paalalang ito dahil noong Enero 4, 2004, naitala ang pinakaunang pahina ng Wikipediang Tagalog.
Tara! Patuloy nating pagbutihin ang proyekto ito. Bago ka pa at hindi mo alam kung papaano? Magtanong sa Kapihan, ang pampamayanang forum o usapan para sa Wikipedian Tagalog.