Wikipedia:Anibersaryo ng Wikipediang Tagalog

Ipinagdiriwang ang anibersaryo ng Wikipediang Tagalog tuwing unang araw ng Disyembre. Ayon kay Eugene Alvin Villar, ang humiling na magkaroon ng Wikipediang Tagalog, hindi niya matandaan kung nasaan ang paghiling sa pagkakaroon ng edisyong Tagalog ng Wikipedia at paano ito nalikha.[1] Tinakda na lamang niya at ng isa pang Wikipedista na si Josh Lim ang petsang Disyembre 1 bilang anibersaryo ng Wikipediang Tagalog sa isang kumbensyon, yayamang may nakuha ang archive.org na snapshot ng websayt (tl.wikipedia.org) noong Nobyembre 30, 2003 02:13:48.[1] Ito ang pinakamaagang nakuha ng archive.org sa url na tl.wikipedia.org. Bagaman, mayroon na ang url na https://tl.wikipedia.com (isang dominyo o domain na .com) ng Wikipediang Tagalog kahit pa noong Pebrero 28, 2002. Bagaman, ang laman ay nasa wikang Ingles. Sa ngayon, naka-redirect ang .com na domain ng Wikipediang Tagalog sa .org na domain. Marahil na may hiling na noon o binalak noon pa na magkaroon na ng edisyong Tagalog ang Wikipedia kaya mayroon na ang url na .com noong petsang iyon. Ayon sa palitan ng email sa Wikipedia-l mailing list noong Pebrero 21, 2003 nina Tom Permenter at ng developer ng MediaWiki na si Brion Vibber tungkol sa pagkakaroon ng mga link sa ibang edisyong wika ng Wikipedia, nabanggit doon na kung mayroon na ang Wikipediang Tagalog, idagdag ito sa tala ng mga link.[2]

Sa kabila ng mga petsang nabanggit, ipinagdiriwang pa rin ang anibersaryo tuwing Disyembre 1. Kahit pa unang nailagay ang unang nilalaman noong Enero 4, 2004.

Sa kabuuan ng kasaysayan ng Wikipediang Tagalog, nasa sa sumunod ang mayroong pag-aalalang aktibidad para sa anibersaryo nito:

Tingnan din

baguhin
  • en:Wikipedia:Anniversary - tala ng mga pagdiriwang ng anibersaryo ng Wikipedia sa kabuuan at may tala rin ng mga anibersaryo ng piling edisyon ng Wikipedia

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 https://en.osm.town/@seav/111504649655515657 Mula sa personal na account ni Eugene Alvin Villar sa mastodon, Disyembre 1, 2023.
  2. Usapan nina Permenter at Vibber sa wikipedia-l, Pebrero 21, 2003