Sa konteksto ng Parti Québécois na Pambansang Kongreso, inihayag ni Bernard Landry ang kanyang surpresang pagbitiw bilang pinuno ng Parti Québécois, ang pangkalahatang partido sa Quebec na sinusulong ang pambansang kalayaan para sa Quebec. (CTV)
Hinatulan ng isang korteng Pranses ang nangungunang pahayagan sa Pransya na Le Monde ng paninirang-puri laban sa Israel at sa mga Hudiyo. (Guardian) Partikular na itinuon ng korte ang kaso sa artikulong « Israël-Palestine : Le cancer » (“Israel-Palestina: Ang Kanser”). Inakusahan naman samantala ng HonestReporting ang medyang pang-masa sa kanilang pagkatahimik tungkol sa hatol. (Honest Reprting)
Hinimok ni Roberto Maroni, ang Italyanong Ministro ng Kapakanan ang pagtigil ng Italya ng paggamit ng Euro at bumalik sa Lira. (Sunday Mail)