Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Oktubre 15
- Ihiniling ng pangulo ng Bangkong Pandaigdig na si Paul Wolfowitz na wakasan na ng mga mauunlad na bansa ang kanilang pagbibigay ng mga subsidiya sa kanilang mga sariling sektor pang-agrikultura at buksan ito sa malayang kompetisyon mula sa bansang umuunlad. (Reuters).
- Magsasampa ng kaso si Senador Jamby Madrigal ng Pilipinas sa Komisyon ng Karapatang Pantao ng Mga Nagkakaisang Bansa laban kay Pangulong Arroyo dahil sa pagbuwag ng rally o malaking pagpupulong kahapon sa pamamagitan ng pagbomba ng tubig. (inq7.net)
- Ipinagtanggol ng Malacañang ang pagbobomba ng tubig sa mga raliyista kahapon sa Mendiola, Maynila. Sinabi ng tagapagsalita ni Pangulong Arroyo na si Ignacio Bunyi na hindi sinunod ng mga raliyista ang babala na huwag lumapit sa Malacañang. (inq7.net)