Boboto ang mga taga-Ehipto sa kanilang kauna-unahang maramihang-partidong pampangulong halalan, na inaasahang si Pangulong Hosni Mubarak ang mananalo sa isang ikalimang termino. (BBC), (BBC), (Reuters)
Opinyon ng taga-Israel na manunulat na si Yiẕẖaq La’or sa kaniyang artikulong “Let the poor die” (Hayaang mamatay ang mahirap) na inilathala sa Haaretz na sadya daw ang di-pagkilos nang maagaran ng pamahalaan sa pagdating ni Hurricane Katrina upang mabigyan ng kalayaan-sa-paggalaw ang malakihang negosyo sa pagsasatayo-muli ng mga nawasak na lungsod.
Pinatay ng mga mamamatay-tao ang dating pinuno ng seguridad para sa Palestinian National Authority (Pambansang Awtoridad na Palestino) na si Moussa Arafat. Nauugnay si Arafat, na pinatalsik mula sa kanyang pwesto ni Mahmoud Abbas, sa mga kaso ng pangungurakot. (Haaretz).