Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Setyembre 8
- Sinabi ni Senador Miriam Defensor-Santiago ng Pilipinas na huwag makialam ang Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas sa politika kaugnay sa pagbasura sa reklamong pagsasakdal laban kay Pangulong Arroyo. (inq7.net)
- Nanalo si Hosni Mubarak sa kauna-unanahang maramihang-kandidatong eleksiyon sa kasaysayan ng Ehipto na mga 78 bahagdan na boto. (Fox News)
- Ayon sa isang ulat na inilathala ng mga bihasa, AIDS daw ang kinamatayan ng dating tagapangulo ng Palestinian National Authority (Pambansang Awtoridad na Palestino) na si Yasser Arafat (Haaretz, AP).
- Inilabas ng Apple Computer ang produkto nilang iPod nano na digital music player na kasing nipis ng lapis at ang hinihintay na teleponong selular na nagpapatugtog ng musika katulad ng iPod. (New York Times) (CNN)