Nasa ika-12 araw na ang isang pangkalahatang pag-aaklas sa Nepal na tinawag ng mga partido politikal na sumasalungat kay Haring Gyanendra. Nagkaroon ng mga kakulangan sa pagkain at tumaas ang presyo na nagdulot ng panic buying o tarantang pagbili ng maramihan sa ilang mga lugar. (BBC) Nabaril ng mga puwersang panseguridad ang isang nagproprotesta na ikinamatay nito at nasugatan ang lima pa sa Nijgadh, 75 milya ang layo sa timog ng Katmandu. (CNN)
Pagkatapos na ipahayag ni PangulongArroyo na ibaba lahat ng nasintensiyahan ng kamatayan sa habang-buhay na pagkabilanggo, susunod ang pag-endorso niya ng isang panukalang batas na ninanais na tanggalin ang parusang kamatayan. (inq7.net)