Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2007 Hunyo 7
- Nasunog kaninang madaling araw ang bodegang pinaglalagyan ng mga ballot box na ipinoprotesta nina Lilia Pineda at ng natalong mga kandidato sa pagka-alkalde at bise-alkalde ng Mabalacat, Pampanga. Sa 360 ballot boxes na nakalagak dito,164 ang natupok. May 166 naman ay bahagya lang nasunog kaya posible pang mabilang.
- Piang-utos ng pamahalaan ng Taiwan sa mga diplomata nito na paghusayin ang pakikitungo nito sa mga nalalabing bansa sa daigdig na kumikilala pa sa Taiwan. Ang pagkilos ng pamahalaan ay bunga ng pagputol ng diplomatikong pakikipag-ugnayan ng bansang Costa Rica sa Taiwan at pagkilala nito sa People's Republic of China bilang nag-iisang Tsina.
- Mahigit 100 bahay na tirahan ng tinatayang 500 pamilya ang tinupok ng apoy, Huwebes ng hapon sa Cubao, Lungsod Quezon.
- 20 katao ang nasawi sa malakas na bagyong Gonu na humagupit sa bansang Oman. Ang bagyong Gonu ang pinakamalakas na bagyong humagupit sa Gitnang Silangan sa loob ng 60 taon.
- Nanawagan ang mga AIDS expert sa pamahalaang South Africa na magpatupad ng malawakang pagtutuli o circumcision makaraang mapatunayan sa isang pag-aaral na nakakatulong itong mabawasan ng 60% ng HIV infection.