Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2008 Agosto 29
- Pinutol ng Georgia ang diplomatikong ugnayan sa Rusya pagkatapos kilalanin ng Rusya ang South Ossetia at Abkhazia. (AFP via ABC News Australia)
- Inilunsad ni Barack Obama ng Partidong Demokratiko ng Estados Unidos ang kaniyang makasaysayang kampanya para sa pagkapangulo. (MB)
- Tumanggap ng gantimpalang salapi mula sa pamahalaan ni Gloria Macapagal-Arroyo ang tatlong Pilipinong manlalarong pang-Olimpiko 2008. (INQ)
- Pinili ni John McCain ng Partidong Republikano si Sarah Palin bilang kaniyang kandidato sa pagkapangalawang pangulo sa halalang pampangulo ng Estados Unidos ng 2008. (BBC)