30 sa 51 kamerang pangmasid ang nailagay na sa kahabaan ng mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila - partikular na sa EDSA - para makatulong sa pagtanaw ng mga sumusuway na mga nagmamaneho, mga tiwaling pulis trapiko, mga aksidente, at iba pang mga suliranin sa daan. (TTWN)
Sa himpilan ng Nagkakaisang mga Bansa sa Lungsod ng Bagong York, hinimok ni Gloria Macapagal-Arroyo, pangulo ng Pilipinas, ang lahat ng mga bansa tungo sa pagkakaroon ng mas malawakang pakikipag-ugnayang pampananampalataya upang magkaroon ng kapatiran ng mga kabihasnan, at ginamit niyang halimbawa ang patakaran sa mga talakayang pangpananalig ng Pilipinas. PDI
Pagkaraan ng pag-uusap nina Sompong Amornvivat, Ministrong Panlabas ng Thailand, at Hor Namhon, Ministrong Panlabas ng Cambodia, na nagkaroon ng kapasiyahang itatatag ng dalawang bansa sa Disyembre 2008 ang pagtatakda ng mga hangganan sa mga purok na may hidwaan, upang maiwasan ang pag-ulit ng mga sagupaang sandatahan. (CRI)