Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2009 Hunyo 4
- Ipinahayag ni James Purnell, Kalihim ng State for Work and Pensions ng United Kingdom, ang kanyang pagbibitiw at hiniling na magbitiw din si Punong Ministro Gordon Brown. (Guardian)
- Ninakaw ang dalawang laptop na kompyuter na naglalaman ng mga personal na impormasyon sa mahigit 30,000 civil servant ng Northern Ireland mula sa Department of Finance and Personnel sa Belfast. (RTÉ)
- Nagsasagawa ng mga lokal na halalan ang England para sa 27 county council at limang unitary authority. (Telegraph)
- Nagtalumpati ang Pangulo ng Estados Unidos, Barack Obama, para sa mundong Muslim sa Cairo, Egypt. (BBC) (Washington Post)
- Nagsimula ang halalang pamparlamento ng European Union sa Netherlands at United Kingdom. (Europarl) (RTÉ)
- Nagpaumanhin si Batt O'Keeffe, ministro ng Ireland para sa Edukasyon at Agham, sa pagpapaliban ng isang Leaving Certificate Examination. (RTÉ) (Irish Independent)
- Nagbitiw si Joel Fitzgibbon, Ministro para sa Pagtatangol ng Australia. (BBC)
- Kinukumpirma ng isang pagsusuring linggwistika na hindi sinabi ng Amerikanong astronaut na Neil Armstrong ang artikulong "a" sa pariralang "one small step for a man" nang naglakad siya sa Buwan noong Hulyo 20, 1969. (BBC)
- Nagtipon-tipon ang 150,000 katao sa Hong Kong, Tsina, upang gunitain ang ika-20 anibersaryo ng patayan sa Tiananmen Square noong Hunyo 4, 1989. (BBC)
- Dalawang daang libong katao na dumalo sa libing ni Sant Ramanand Dass, pinuno ng Dera Sach Khand, sa Jalandhar, Punjab, India. (BBC) (Times of India)