Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2009 Pebrero 5
- Nangako ang Kalihim-panlahat ng Nagkakaisang mga Bansa na si Ban Ki-moon, sa pagbisita nito sa Islambad, na gagawa ng komisyon para mag-imbestiga sa pagpatay sa dating Punong ministro ng Pakistan na si Benazir Bhutto. (PDI)
- Umabot na sa 3,300 katao ang namatay sa Zimbabwe dahil sa kolera ayon sa ulat ng opisyal ng Organisasyong Pandaigdig para sa Kalusugan. (PhilStar)
- Bansang Hapon magpapadala ng dalawang sasakyang pangwasak sa karagatan ng Somalia para sa pagbabantay sa mga sasakyang pandagat nito mula sa mga pirata. (PhilStar)