Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 7
- Apat na maninisid mula sa Palestina napatay ng Hukbong Dagat ng Israel. (Reuters) (New York Times) (AP via Google)
- 172 katao patay sa bahang dulot ng Bagyong Agatha sa Guatemala. (Xinhua) (AP via Google)
- Hindi bababa sa pito ang kumpirmadong patay sa pagragasa ng buhawi at bagyo sa estado ng Ohio sa gitnang-kanlurang bahagi ng Estados Unidos. (Sydney Morning Herald) (Xinhua)(AP via Google) (BBC News)
- Hindi bababa sa tatlong katao ang namatay at sampu pa ang nawawala sa pagsabog ng isang daluyan ng natural na gas sa Cleburne, Texas. (MSNBC)
- Dalawang katao patay at labing-apat pa ang nasugatan nang araruhin ng isang kotse ang mga manonood sa isang pagkilos para sa Pandaigdigang Araw ng Kapaligiran sa Gatsibo sa Rwanda. (BBC) (Times Live)
- Bilang ng mga migranteng manggagawa na namatay o nasugatan sa mga pagawaan sa Timog Korea tumaas sa huling taon at umabot na sa halos 14,500. (Yonhap)
- Limampu't limang katawan natagpuan ng mga pulis sa isang abandonadong minahan sa Guerrero, Mehiko. (BBC)
- Kansilyer Angela Merkel pumayag sa pagtitipid ng €80 bilyon sa loob ng apat na taon sa kanyang gabinete. (BBC)
- Hilagang Korea nagsagawa ng ikalawang sesyon ng parlamento, kung saan hinirang si Choe Yong-rim para pumalit kay Kim Yong-il bilang Punong Ministro. (Aljazeera) (BBC) (Xinhua)
- Isang estudyante sa Thailand nanunog ng paaralan dahil sa presyur na nararanasan sa pag-aaral. Inamin ng bata na ginaya niya ang gawa sa nakita sa nakaraang kaguluhan sa Bangkok. (AP via Google) (Today Online) (Bangkok Post) (Washington Post)
- Pangulong Jacques Rogge ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko ininspeksyon ang lugar na pagdarausan ng Palarong Olimpiko sa Taglamig 2014 sa Sochi, Rusya. (BBC)