Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2011 Marso 11
- Indiya at Pakistan tagumpay na nakagpagsagawa ng pagsubok sa mga missile. (Sify India)
- Lindol sa Sendai at tsunami
- Lindol na may kalakhang 9.0 tumama sa Prepektura ng Miyagi sa Hapon na nagdulot ng tsunami na aabot sa 10 metro malapit sa episentro at umabot sa iba pang kalupaan sa karagatang Pasipiko. (Japan Times) (Canadian Press via Google News), (AP via ABC News America)
- Mahigit 1000 katao patay sa lindol at tsunami.(LA Times)
- Telebisyon sa Hapon pinapakita ang kuha sa pagbaha sa hilagang-silangang baybayin ng bansa. (AP via New York Times)
- Babala ng tsunami inilabas rin sa Rusya, Taywan, Indonesya, Papua Bagong Ginea at Estados Unidos. (Market Watch), (Oregon Live)
- Pamahalaan ng Hapon pinalikas ang libo-libong residenteng naninirahan malapit sa Unang Plantang Nukleyar sa Fukushima matapos ang pagtagas ng radyasyon. (New York Times)
- Sistemang pampalamig ng Plantang Nukleyar sa Onagawa nagkaproblema rin. (RT)
- Isang bus nahulog sa bangin sa rehiyon ng Xinjiang sa kanlurang Tsina, hindi bababa sa 16 katao patay, dalawampu't apat pa sugatan. (AP via MSNBC)
- Bundok Karangetang sa Sulawesi, Indonesya pumutok, sapilitang paglikas sa mga lokal na mamamayan isinagawa. (The Hindu)
- Punong Ministro ng Simbabwe Morgan Tsvangirai nanawagan sa pagputol sa pamahalaan ng pagkakaisa matapos arestuhin ang isa sa kanyang mga kasama sa partido. (AllAfrica.com)