Binalaan ng Panlabas na Ministro ng Rusya na ang pag-atake sa gobyerno ng Sirya ay maaaring magdulot ng sakuna at sinabi rin sa mga Kanluraning bansa na magpakita ng pag-iingat sa krisis na nangyayari roon. (France 24)
Ayon kay Walid Muallem Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Sirya na tinatanggi ng "lubos at ganap" ng gobyerno ng Sirya ang paggamit ng kemikal na armas, habang ang Estados Unidos at ang mga alyansa nito ay naghahanda sa napipintong pag-atake kung saan pinupunterya nito ang departamento ng utos at kontrol, paliparan at artilerya. (BBC)(NBC)
Sinabi ng Pangulo ng Pransiya na si Francois Hollande na "handang parusahan" ng Pransiya ang mga responsable sa kemikal na pag-atake. (Fox News)
Pinaniniwalaang nasa likod ng pambobomba sa Tripoli noong Agosto 2013 ang gobyerno ng Sirya kung saan isa sa mga pinaghihinalaan sa Lebanon ang umamin sa kapulisan. (Daily Star)