Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 5
- Alitang armado at mga pag-atake
- Umabot na sa walong katao ang namatay habang 24 iba pa ang sugatan matapos ang isang pagsabog sa Lungsod ng Cotabato.(GMA News Online)
- Isang bomba ang sumabog sa pamilihan sa lungsod ng Kandahar, Apganistan, na ikinasawi ng apat na katao.(BBC)
- Batas at krimen
- Dalawang tao ang patay at lima ang sugatan sa barilan sa labas ng isang restaurant sa Salinas, California, Estados Unidos. Ito ay hininalang may kinalaman sa mga sanggano.(San Francisco Chronicle)
- Sakuna at aksidente
- Higit sa 160 katao ang namatay dahil sa pagbaha sa Apganistan at Pakistan.(The Independent)
- Politika at eleksiyon
- Nahalal si Enele Sopoaga bilang bagong Punong Ministro ng Tuvalu sa naganap na halalan sa pamamagitan ng lihim na balota ng Parlamento ng Tuvalu.(Islands Business)